guera, at idinudugtong na marahan ¡mğa milón―nagsasalita ng ukol sa paglirip na mabuti at paglakad ng marahan, ng pangangailangang kilalanin muna ang bayan, na ang mga hilig ng indio ay paganitó, na ang karangalan ng pangalang kastilà, na sa dahilang una muna ang mga kastilà, na ang pananampalataya at ibp. Náaalala pa sa Maynilà ang isá niyáng talumpati ng unang ipalagay ang pag-iilaw ng petróleo, bilang kahalili ng dating langis ng niyog: sa pagbabagong iyon ay hindi nakita ang pagkamatay ng paggawa ng langis kundi ang tutubùin ng isang konsehal―sapagka't si D. Custodio ay may matalas na pangamóy―at humadláng ng inubos ang lahat ng tunog ng kaniyang boses, na ipinalagay na ang panukalà ay wala sa panahón at hinulàang magkakaroon ng malalaking sakunâng bayan. Hindi rin hulí sa kabantugan
ang kaniyang paghadláng sa isang pananapatan na ibig gawin ng ilán sa isang gobernador bago umalis: si D. Custodio na mayroong kaunting sama ng loob dahil sa ilang paghiyà sa kaniya, na hindi na namin naaalala, ay natutong ikalat ang
balibalitang ang talàng darating ay kalabang masidhi ng aalís, bagay na ipinangambá ng mga mananapát kaya't hindi nátuloy.
Isang araw ay hinatulan siyáng bumalik sa España upang magpagamót ng isang sakit sa atay at binanggit siyá ng mga pahayagan na wari'y isáng Anteo na nangangailangang tumuntong sa Inang bayan upang kumuha ng mga panibagong lakás; nguni't ang Anteong taga Maynilà ay nanguntî at nawalang kabuluhan sa Corte. Doon ay hindi siya gasino at hinahanaphanap ang kaniyáng mga kaibigibig na banság. Hindi siyá nákahalobilo ng mga lalong mayayaman, ang kakulangan niya sa pinag-aralan ay hindi makapagbigay sa kaniya ng malaking kahalagahan sa mga lipunang ukol sa karunungan at mğa akademia, at dahil sa kaniyang pagkakahuli at pagtataglay ng politikang kombento ay litóng umaalis sa mga lipunán, walang kasiyahang loob, muhi, at walang malinawan kundi ang doo'y kinukunan ng kuwalta ang tangá at doo'y malakás ang sugál. Inaalala ang kaniyang masunuring mga utusán sa Maynilà na nangagtitiis sa lahát ng kaniyang nakayayamót na maibigan, at sa gayon ay nakikita niyang ang mga yaón ay siyang mabuti; sa dahiláng sa taglamig ay nangailangan siyang maglalapit sa