nuran nito sa kaniyá na makikiusap sa procurador ng mga agustino ay hindi tumutol ni humadláng man lamang; kundi bagkús pa ngâng humandóg na siyá na ang gagawa upang
maibisán ng kagambalàán ang kaniyáng iná na pinamanhikáng bumalík na kaagád sa kaniláng lalawigan at kung mangyayari'y sa araw ding yaón. Itinanong sa kaniya ni kabisang Andáng kung bakit.
—Sa dahiláng.... sa dahiláng kung mabatid ng prokurador na náririto kayo ay hindi gágawin ang inyong kabilingan samantalang hindi muna siyá nabibigyan ng anománg handóg at ilang pamisa.
Tunay ang sinabi ni P. Irene: ang ukol sa akademia ng wikang kastilà, na malaon nang iniharáp, ay tumutungo na sa isang pagkalutas. Si D. Custodio, ang masipag na si D. Custodio, ang lalòng masipag sa lahát ng mga nagpápalagay sa boông mundó, alinsunod kay Ben-Zayb, ay siyáng tumútungkol sa kaniyá at dinádaán ang mga maghapunan sa pagbabasa sa mga kasulatan at nakakatulog nang walang naipapasiyáng anomán: babangon sa kinabukasan, gayón din ang gagawin, matutulog na muli at sunód sunod na gayon ang nangyayari. ¡Gaano ang iginagawa ng kaawàawàng ginoo, ang lalong masipag sa lahát ng nagpápalagay sa Sangsinukob! Ibig niyang makalusót doon, sa paraang mabigyang loob ang lahat, ang mga prayle, ang mataas na kawani, ang kondesa, si P. Irene at ang kaniyang mga pagkukuròng labusáw. Nagtanong kay G. Pasta at siya'y hinilo at linitó ni G. Pasta matapos na mahatulan siya ng isáng yutàng bagay na magkakalaban at hindi mangyayari; nagtanong kay Pepay na mánanayaw, at ang mánanayaw na si Pepay, na hindi nakatatarók ng pinag-uusapan, ay umikot ng isang ikot, hiningún siya ng dalawang pu't límáng piso upang ipagpalibing sa isang ali niya na biglang kamamatay ng ikalimang pagkamatay, ó ipagpapalibing sa ikalimang ali na namatay sa kaniya, alinsunod sa lalong masaklaw na paliwanag, matapos na nahinging mapasok na auxiliar de formento ang isá niyang pinsang lalaki na marunong bumasa,