mga pagbabalà at mga sigaw ng paghihigantí ay inilayo ang kaniyang tingin sa durungawan at marahil ay noon lamang
siya nanginig.
—Hindi, marahil ay may sakit akó, marahil ay masama ang aking katawan—ang bulóng—marami ang nagagalit sa akin, ang mga naghihinalang akó ang sanhi ng kaniláng kasawián, nguni't....
At sa dahiláng nararamdamang nag-aalab ang kaniyang noo ay tumindíg at lumapit sa durungawan upang sagapin ang malamig na simuy sa gabi. Sa kaniyang paanan ay pinauusad ng ilog Pasig ang kaniyang pilak na agos, na sa ibabaw ay nanghihinamád na kumikinang ang mga bulâng umukit, sumusulong at umuurong na sumúsunód sa lakad ng mumunting uliuli.
Ang siyudad ay natatayo sa kabilang ibayo at ang kaniyang maiitín na muog ay nakikitang nakakikilabot, matalinghagà, at napapawi ang kaniyang karuk háán sa liwanag ng buwan na nakapagpaparikit at nagpapagandá sa lahát ng bagay. Dátapwa't si Simoun ay muling nangilabot: waring nakita sa kaniyang harapán ang mabagsík na mukha ng kaniyang amá, na namatay sa bilangguan, nguni't namatay dahil sa paggawa ng mabuti, at ang mukha ng isá pang lalaki na lalo pang mabagsík, ng isang lalaking nagdulot ng buhay ng dahil sa kaniya, dahil sa inaakalang kaniyang hahanapin ang ikabubuti ng kaniyang bayan.
—Hindi, hindi ako makauurong—ang bulalás na pinahid ang pawis ng kaniyang noó—ang gawain ay magtatapós na at ang kaniyang pagtatagumpay ay siyang magbibigay katwiran sa akin.... Kung ako'y gumaya sa inyo ay nasawi akó marahil... Siya na ang pangangarap, siya na ang maling pagkukurò! Apóy at patalím sa bikat, parusa sa kasamâán, at masirà pagkatapos kung masama ang kasangkapan Hindi, pinag-isip ko nang mabuti, nguni't ako'y nilalagnát ngayón.... ang pag-iisip ko'y uulik-ulik.... talagá....kung ginawa ko ang kasamâán ay upang makapalâ ng kabutihan at ang napapala'y siyang nagliligtás sa kaparaanan....Ang gagawin ko'y ang huwag má pará....
At nahigang guló ang pag-iisip at tinangkang makatulog.
Nang kinabukasan ay pinakinggang nakasukot at naka- ngiti ni Plácido ang pangaral ng kaniyang iná. Nang ti-