Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/187

From Wikisource
This page has been proofread.


— 181 —


lubha ng mga sakit? May mga dalawang taon lamang na iyán ay kasingtibay ninyó sa pangangatawán, nguni't nagawa ng kaniyang mga kalaban na siya'y máipadalá sa Balabak upang gumawa roong kasama ng isang pangkát na disciplinaria, at náiyán at tingnán ninyong may isáng reuma at isáng walang likat na lagnát na nag-aabóy sa kaniyá sa libingan. Ang kababághabág na iyán ay nag-asawa sa isang magandang babai......

At sa dahilang nagdaan ang isang sasakyang walang lulan ay pinahintô ni Simoun at napahatid na kasama si Plácido sa kaniyang bahay sa daang Escolta. Nang mga sandaling iyon ay tinútugtóg sa mga orasán ng mga simbahan ang iká sampû at kalahati ng gabi.

Makaraan ang dalawang oras ay nilisan ni Plácido ang bahay ng mag-aalabás at walang imík at nagiisip na lumakad sa Escolta, na wala nang katao tao kahit na masayá pa rin ang mga "café". Mangisánğísáng sasakyán ay nagagdádaang matulin na nag-uumugong ng katakot-takot sa ibabaw ng dinádaanang gasgás na batóng nakalatag sa lansangan.

Mula sa isang silid ng kaniyang tahanang nakaharap sa ilog Pasig ay tinatanaw ni Simoun ang bayang kupkóp ng muog na nakikita sa mga dúrungawang bukás ang mga bubóng na hierro galvanizado na pinakikináng ng buwan, at ang kaniyang mga torre na mababadhang malulungkót, bagól, malalamlám, sa gitna nang mapanatag na anyo ng gabi. Si Simoun ay nag-alis ng salaming bughaw sa matá, ang kaniyang maputing buhok na wari'y kulób na pilak ay nakalibid sa kaniyang matigas at sunóg na mukha na malamlám, na naliliwangan ng isáng lámpara, na ang ilaw ay waring mamamatay dahil sa kakulangan sa petróleo. Dahil mandín sa isang bagay na iniisip ay hindi napupuná ni Simoun na untiunting namamatay ang lámpara at lumalaganap ang kadilimán.

—Sa loob ng ilang araw—ang bulóng—pag nag-alab ang apat na tagiliran ng sinumpang bayang iyán na tirahan ng mga mapagpalalòng walang namumuwangan at ng walang awang panggagagá sa mangmang at sa nagigipit; pag ang pagkakagulo ay mangyari na sa mga arrabal at palusubin ko sa mga lansangan ang aking mga taong manghihigantí na ibinunga ng mga panggagahís at kamalian, ay saka ko bu-