Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/186

From Wikisource
This page has been proofread.


― 180 ―


kastilà ng tao-may bagong bagay pô ba?

―Oo, gágawin sa loob ng linggóng darating.

--¡Sa linggóng darating!--ang ulit ng tao na nápauróng ang mga arabal ay hindi pa handâ; hindi pa handâ; inaantay na iurong ng General ang utos.... ang akalà ko'y ipagpapali- ban hanggang sa pagpasok ng kurismá.

Umiling si Simoun.

―Hindi na natin kakailanganin ang mga arrabal―ang sabi ang mga tao ni kabisang Tales, ang mga naging karabinero at isáng regimiento ay sapát na. Kung ipagpapaliban pa marahil ay patay na si María Clara! ¡Lumakad kayóng agád!

Ang lalaki'y nawala.

Kaharáp si Plácido sa maikling pag-uusap na itó't nádingíg ang labát; nang inaakalang nakaaninaw siya ng bahagya ay nanindig ang kaniyang buhok at tininguán si Simoun ng matáng gulát. Si Simoun ay nakangiti.

―Ipinagtátaká ninyó―ang sabing malamlam ang ngiti―ang indiong iyán na masama ang suót ay makapagsalitang mabuti ng wikang kastilà? Nagíng guro sa páaralán, na nagpumilit na turùan ng kastilà ang mga batà at hindi nagtigil hanggang náalís sa tungkulin at napatapon dahil sa salang pangguguló ng katiwasayáng bayan at sapagka't naging kaibigan ng kaawàawàng Ibarra. Kinuha ko sa kinátapunan na ang inaatupag doon ay ang pagtatanim ng niyóg at ginawa kong magkakastilló.

Nangagsibalík sa daan at palakád na tumungo sa dakong Trozo. Sa harapán ng isang munting bahay na tablá, na ang anyo'y masaya at malinis, ay may isáng kastilà na naníuiín sa isang tungkód at nag-áaliw sa liwanag ng buwán. Tinungo siyá ni Simoun; nang makita ito ng kastilà ay nagtangkang tumindig na tinimpi ang isang daing.

―¡Humandâ kayo!―ani Simoun sa kaniya.

―¡Kailan ma'y handâ akó!

―Sa linggóng darating!

―¿Na ba?

―¡Sa unang putók ng kanyón!

At lumayông kasunod si Plácido na nagsisimula na ng pagtatanong sa sarili kung siya'y nananaginip.

―Ikinatataká ninyó―ang tanóng sa kaniyá ni Simoun―ang pagkakita sa isang kastilàng batà pa'y salanta nang