nód si aling Victorina na kasama si Juanito Pelaez, na malakás ang pagsasalita, nagkúkukumpay at lalo pang nakukubà. Sa pagkalibáng ni Pelaez ay hindi nákita ang kaniyang naging kasama sa pag-aaral.
—Iyan ang maligaya!—ang bulong ni Plácido na nagbuntonghiningá at nakatingin sa pulutong na unti unting nagiging parang anino na lamang, na ang tanging nakikitang mabuti ay ang mga bisig ni Juanito na ibinaba bâ't itinátaás na wari'y pamagaypáy ng isáng gilingan.
—¡Sa gayón na lamang siya magagamit—ang bulóng namán ni Simoun--mabuti na ang lagáy ng kabataan!
¿Sino ang tinutukoy ni Plácido at ni Simoun?
Hinudyatán nito ang binatà, iniwan nila ang dáan at nagsuot sa isang palikawlikaw na landás at mga daanang pag-itan ng ilang bahay; kung minsa'y nangagsisitalón sa maliliit na bató upang iwasan ang mumunting putikán at kung minsa'y yumuyuko upang dumaán sa bakod na masama ang pagkakayari at lalo pa mandíng masamâ ang pagkakaingat. Namangha si Plácido nang makitang naglalakad sa mga poók na iyon ang mayamang mag-aalahás na wari'y sanay na sanáy doón. Sa kahulihuliha'y nakarating silá sa isang wari'y kulób na malaki na may nag-iisang munting bahay na dukhá na nalilibid ng sagingán at mga puno ng bunga. Iláng balangkas na kawayan at putól putól na bungbóng ay nakapagpahinalà kay Plácido na sila'y nasa bahay ng isang kastillero.
—¡A! ginoo....
At dagling nanaog.
—¿Nariyan na ang pulburá?-ang tanong ni Simoun.
—Nangasa bayóng; inaantay ko ang mga bungbóng.
—¿At ang mga bomba?
—Náhahandâ.
—Mabuti, maestro.... Ngayóng gabi rin kayó lalakad at makipag-usap sa teniente at sa kabo.... at pagkatapos ay ipatuloy ang inyong lakad; sa Lamayan ay makatatagpô kayo ng isang tao sa isang bangka: pagsabihan ninyo ng "kabisa at siya'y sásagót ng "Tales". Kailangang dumating dito bukas. Hindi makapag-aaksayá ng panahon!
At binigyan ng ilang kuwaltang gintò.
—¿Bakit pô ginoo?—ang tanóng sa mabuting wfkàng