Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/183

From Wikisource
This page has been proofread.


— 177 —


nalít sa mga tunay na pilak na ipinatunaw at ipinagawang pisong mehikano. Ito ang kasaysayang kaniyáng náringig at kahi't mga salísalitâ lamang yaón ó bulúngbulungan ay inaari na niyang totoo dahil sa samâ ng kaniyang loob at nagpapaalaala pa sa kaniya ng ilang gayón ding pangyayari. Ang paghahangád na mabuhay ng malayà at ilang balak na hindi pa lubós na yari ay nakapag-udyók sa kaniyang ipatuloy ang balak na tumungo sa Hongkong. Kung doon dinadala ng mga corporación ang lahát ng kanilang salapi ay dapat na lumakad na mabuti ang pangangalakal doon at maaaring siya'y yumaman.

—¡Ibig kong maging malayà, mabuhay ng malayà!....Inabot siya ng gabi sa paglilibot sa S. Fernando, at sa dahilang hindi makátagpo ng isang kaibigang mangdaragát ay nagpatuloy nang umuwi. At sapagka't maganda ang gabi at ang buwan ay kumíkináng sa langit na binibigyan ng anyông kahariang makababalaghán ng mga hada ang maralitang siyudad, ay tumungo sa periya. Doon nagpayao't dito, linibot ang mga tindá na hindi nápupuna ang mga bagaybagay; ang pag-iisip ay nasa Hongkong upang mamuhay ng malayà, magpayaman......

Iiwan na sana ang periya nang mámatàan mandin ang manghihiyas na si Simoun na nagpapaalam sa isang taga- ibáng lupa at kapuwang sa wikang inglés nag-uusap. Sa palagay ni Plácido ay ang lahat ng wikàng ginagamit sa Pilipinas ng mga dayuhan, kailan ma't hindi ang kastilà, ay inglés: at saka naulinigan pa ng ating binatà ang salitang Hongkong.

—¡Kung mangyayari sanang maipakiusap siya ng magaalahás na si Simoun sa dayuhang yaón na tutungo mandín sa Hongkong!

Tumigil si Plácido. Nakikilala niya ang manghihiyás dahil náparoon sa kaniyang bayan at nagbili ng alahas. Sinamahan niya sa isang paglalakbay at pinagpakitaan siya ng magandáng loob ni Simoun na isinalaysay sa kaniya ang mga pamumuhay sa mga Unibersidad ng mga malalayang bansa: lanóng laking kaibhan!

Sinundan ni Plácido ang mag-aalahás.

—¡Ginoong Simoun, ginoong Simoun!—aniyá.

Nang mga sandaling yaón ay lululan sa sasakyan ang mang-hihiyas. Nang makilala si Plácido ay tumigil.

12