panggingeng sikosikolo na lamang akó napáparoón at hindi sa manámanalapi, at tinitiía ko na ang masasamang amoy at maruruming baraha! ¡Tingnan mo ang mga barò ko't may sulsi! Kahi't makabibili akó ng mga bago ay ginugugol
ang kuwalta sa mga pamisa at mga handóg kay San Sebastian, kahit na wala akong pananalig sa kanilang bisà, sapagka't dinadalosdalos ng pari at ang santo ay bagong bago at hindi pa marunong gumawa ng kababalaghán, at hindi batikulíng kundi laniti.... ¡Ay! ¿Ano ang sasabihin sa akin ng amá mo pagkamatay ko't kami'y magkita?
At ang kaawàawàng babai'y naghihinagpis at umiiyak; lalò pang nagdidilim ang kalooban ni Plácido at namumulás sa kaniyang dibdib ang mga timping buntóng hiningá.
—¿Anó ang mahihitâ ko kung maging abogado?—ang tugón.
—¿Ano ang sasapitin mo?—ang patuloy ng iná na pinagduop ang kamay-ipanganganlán kang pilibistiero at bibítayin ka! ¡Sinasabi ko na sa iyong magtitiis ka, ikaw ay magpapakumbabâ! Hindi ko sinasabi sa iyóng humalík ka ng kamay sa parì, alám kóng ang pangamóy mo'y maselan na gaya ng amá mo na hindi makakain ng keso sa Europa....nguni't dapat tayong magtiís, huwag umimík, pa oo sa lahát ng bagay.... ¿Anó ang magagawa natin? Ang mga prayle ay mayroon ng lahát ng bagay; kung ayaw sila ay walang magiging abogado, ni médiko.... ¡Magtiís ka, anák ko, mag. tiís ka!
—¡Sa, nakapagtiís na akong lubha, ináng; buwanang ako'y nagbatá!
Patuloy si kabisang Andáng sa kaniyang paghihinagpís. Hindi niya hinihinging kumam pí sa mga prayle, siya man ay hindi rin; lubos niyáng batid na sa bawa't isang mabuti ay may sampung masama na kumukuha ng salapi ng mahihirap at nagpapadalá sa mayayaman sa tatapunán. Nguni't dapat na huwag kumibó, magtiís at magbatá; walâng ibang paraan. At binanggit ang ganoon at ganitong ginoo na dahil sa nagpakita ng pagka paciencioso at mapakumbabâ, kahi't na sa kaibuturan ng puso'y nagagalit sa kaniyáng mga panginoon, ay naging promotor piskal gayong galing sa pagiging alilà ng prayle; at si gayón na ngayo'y mayaman at mangyayaring makagawa ng mga kabangisáng asal na makáaasang may ninong na mag-aampon sa kaniya ng laban sa mga kautusan