Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/180

From Wikisource
This page has been proofread.


— 174 —


upang ipakilala sa mga prayle na hindi naaalimura ng gayongayon lamang ang isang binatà, at ang gaya niya'y hindi maaring aglahiin. Iniisip na sumulat agád sa kaniyáng iná, kay kabisang Andáng, upang ipabatid dito ang nangyari at sabihing hindi na siya makapapasok sa klase, at kahi't may Ateneo ng mga hesuita upang makapag-aral ng taong yaón, marahil ay hindi siya bigyang pahintulot na makalipat ng mga dominiko at kahit na maari ang gayon ay mába balík din siya sa Universidad sa taóng susunod na pag-aaral.

—!Sinasabing hindi kami marunong maghigantí!—ang sabi pumutók ang lintík at saka makikita

Nguni't hindi hinihinalà ni Plácido ang nag-aantay sa kaniya sa bahay ng platero.

Karárating pa lamang ni kabisang Andáng na galing sa Batangan at lumuwás upang mamilí, dumalaw sa kaniyáng anák at dalhán ng kuwalta, pindáng na usá at mğa panyông sutla.

Nang makaraan ang mga unang batián, ang kahabag-habág na babaing sa simulâ pa'y nápuná na ang mabalasik na tingin ng kaniyang anák, ay hindi na nakapagpigil at nagsimula na sa kátatanong. Sa mga unang pagsasalita'y inaring birò ni kabisang Andáng, ngumiti't pinagpapayuhan ang kaniyang anák, at ipinaalaala dito ang mga paghihirap, ang mga pagtitipid at ibp., at binanggit ang anák ni kapitang Simona, na dahil sa pagkakapasok sa Seminario, ay waring obispo na kung lumakad sa kanilang bayan: ¡Ipinalálagáy na ni kápitang Simona na siya'y Iná ng Dios; mangyari baga'y magiging isá pang Jesucristo ang kaniyang anák!.

—Pag naging pari ang anák—ang sabi ni kabisang Andáng ay hindi na pagbabayaran ang utang sa atin....¿sino pa ang makásisingit sa kaniyá pag nagkagayon?

Nguni't nang makitang tinótotoo ni Plácido ang pagsasalita at napansin sa matá nitó ang sigwáng bumabayó sa kalooban, ay nákilalang, daiá ng kasawîán, ay sadyáng tunay ang sinasabi. Mğa iláng sandaling hindi nakapangusap at pagkatapos ay naghinagpis ng katakot-takot.

—¡Ay!—aniya—¡at naipangako ko pa naman sa amá mo na aarugâín kitá, patuturuan at gagawing abogado. ¡Tinítipíd ko ang lahát upang makapag-aral ka lamang! ¡Sa