ay nangagbabangon ngayón na nangagngangalit sa poót. Ang mga sutsót ay umuugong sa kaniyáng tainga na kasama ang
mga palibák na salita ng katedrátiko, ang mga salitang wikàng tindá, at waring nadidingig niya ang mga hampás at halakhák, Libo libong balak na paghihigantí ang sumísipót sa kaniyáng pag-iisip na nangagkakasalásalabíd at biglâng lumilipas na wari'y mga larawang nakikita sa pangangarap. Inuudyukán siyang walang humpay na dapat gumawa, ng kaniyang sariling damdamin, na taglay ang katigasang ulo ng isang walang pag-asa.
-―Plácido Penitente―anáng boses―ipakilala mo sa lahát ng kabataang iyán na mayroon kang karangalan, na ikaw ay anák ng isang lalawigang matapang at bayani, na doon ang isang paghalay ay hinuhugasan ng dugo. ¡Taga Batangan ka, Plácido Penitente! ¡Gumanti ka, Plácido Penitente!
At ang binatà'y umuungol at nagngangalit ang mga ngipin at binubunggo ang lahát ng tao sa lansangan, sa tulay ng España, na wari'y naghahanap ng basagulo. Sa huling pook na ito'y nakakita ng isang sasakyang kinalululanan ng Vice- Rector na si P. Sibyla, na kasama si D. Custodio, at nagtaglay siya ng malaking nasàng sunggabán ang pari at ihagis sa ilog.
Nagpatuloy sa Escolta at ngalingalí nang pagsususuntukin ang dalawang agustino, na nangakaupo sa pintuan ng tindahan ni Quiroga, na nagtatanawan at binibirò ang iba pang prayle na nasa loob ng tindá at nakikipag-usap; nádidingíg ang kanilang masasayang boses at matutunóg na halakhakan. Sa dakong malayô-layo ay nangakahalang sa bangketa ang dalawang cadete na nakikipag-usap sa isáng kawani ng isang tindahan, na nakabarò't nakabarò't walang ameri- kana; tinungo silá ni Plácido Penitente upang buksan ang daan, nguni't ang mga cadete na masasaya at nakahalatâ sa masamang tangka ng binata ay nangagsilayo. Nang mga sandaling yaon ay taglay ni Plácido ang udyók ng hamok na sinasabi ng mga sumusuri ng ugaling malayo.
Samantalang nálalapít si Plácido sa kaniyáng bahay―ang bahay ng isang platero na kaniyang pinangungupahan-―ay pinipilit na iayos ang kaniyáng mga iniisip at niyayari ang isang balak. Umuwi sa kaniyang bayan at maghigantí