Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/178

From Wikisource
This page has been proofread.


— 172 —

parang ng labanán. Si P. Salvi ay wari patáy, at nang makita ng mga babai na hindi silá dinadaluhán ay minabuti na nila ang magbalikdiwà.

Samantala ay naging abó ang ulo at inilagay na muli ni Mr. Leeds ang kayong itim sa ibabaw ng dulang at yumúyukú sa mga nakinig sa kiniyá.

—Kailangang ipagbawal ang pagtatanghál na itó—ang sabi ni D. Custodio nang lumálabás—lubhang napakabandáy at mahalay.

—Lalonglalò na, sapagka't hindi ginagamitan ng salamin—ang dugtong ni Ben-Zayb.

Datapuwa'y ninasàng tingnan niyang mulî bago iwan ang pook na iyon, tinalón ang halang, lumapit sa dulang at itinaas ang kayo: wala, wala ring gaya ng dati. (1)

Nang kinabukasan ay sumulat ng isáng lathalà na ang tinutukoy ay ang mga karunungang lihim, ang espiritismo, at ibp. dalidaling pumanaog ang isang utos ng gobernador eclesiástico na pinipigil ang mga palabás: nguni't wala na si Mr. Leeds na dinalá sa Hongkong ang kaniyang lihim.

XIX
ANG LAMBAL

Umalis sa klase si Plácido Penitente na ang puso'y sumusulák at ang mga paningin ay may mapaít na luhà. Siya'y lubhang karapatdapat sa kaniyang pangalan kapag hindi siyá pinagagalit, nguni't pag namuhi ay nagiging baha, isáng halimaw na mapipigil lamang kung mapatay ó makamatay. Ang gayón karaming paghalay, mga pagsundót, na sa araw araw ay nagpapanginig sa kaniyang pusò at natatago rito upang makatulog ng tulog dahong-paláy na nahihimbing,


(1) Gayon man, si Ben-Zayb ay hindi nálilisya. Ang tatlong paa na dulang ay may ukit na siyang dinadaanan ng mga salaming natatago sa ilalim ng tuntungan at hindi nápupuna dahil sa mga guhit na pariparisukát ng alpombra. Paglalagay ng kaha sa ibabaw ng mesa ay pinipisil ang isang resorte at dahandahang tumátaás ang mga salamín; pagkatapos ay aalisin ang kayo na pag-iingatang buhatin at huwag bataking padausós at sa gayon ay naaayos ang dulang nang kagaya ng karaniwang dulang ng mga along nagsasalita". Ang dulang ay may butas na lusót sa ilalim ng kaha Matapos ang pagtatanghal ay tatakpang muli ng nagpapalabás ang dulang, pipisilin ang isa pang [resorte at bababa naman ang mga salamín.