Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/177

From Wikisource
This page has been proofread.


— 171 —


kong nanagumpay ang kabulaanan, nakikita ko ang pag- usig gabi't araw ng saserdote sa Abidos sa birheng nagkanlóng sa simbahan ni Isis sa pulô ng Philo....nakikita ko siyang inuusig at inaapungutan hanggang sa mga ilalim ng lupà, tuligín sa sindák at mga pahirap, na gaya ng isáng malaking paniki sa isang maputing kalapati.... ¡A! saserdote, saserdote sa Abidos! nabuhay akóng muli upang ihayag ang iyong mga kataksilan, at makaraan ang mahabang panahong pananahimik ay tinatawag kitáng mámamatay, lapastangan sa Dios, mapagparatang!!

Isáng biglang halakhák, waring galing sa libingan, ang sumunod sa mga salitang itó, samantalang ang isang timping boses ay sumasagot ng:

—Hindi ¡mahabág......!

Yaón ay si P. Salvi na puno ng takot ay iniunat ang dalawang kamay at mabubuwal.

--¿Anó mayroon kayó P. Salvi? ¿Masama po ba ang inyóng katawán?-ang tanong ni P. Irene.

—Ang init ng salas......

--Ang amoy bangkay na nasasamyo dito.

—¡Mámamatay, mapagparatang! lapastangan sa Dios,—ang ulit ng ulo isinusuplóng kitá, mámamatay, mámamatay, mamanatay!

At muling umugong ang halak hák, waring galing sa libingan at mapagbalà, na waring dahil sa pagkalulong ng ulo sa pagmamalas sa mga kaapihán niya'y hindi naaalumana ang kaguluhang naghahari sa salas. Si P. Salvi ay lubusan nang nahimatay..

—¡Mahabág! ibuhay pa....!-ang ulit ni P. Salvi at nawalan ng diwà. Maputlâng maputlâng wari'y bangkáy. Inakala ng ibang babai na nararapat namáng maghimatay silá at gayón nga ang ginawa.

—Nahihibáng...... P. Salvi!

—Sinasabi ko na sa kaniyang huwag kumain ng sopas na pugad ng langaylangayan!—ang sabi ni P. Irene—iyón ang nakasama sa kaniya.

—Wala namang nakain!—ang sagót na nangangatál ni D. Custodio—sa dahiláng tinitigan siyang mabuti ng ulo, ay nágayuma siyá......

Doon na nagkaguló, ang salas ay waring hospital, isáng