Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/175

From Wikisource
This page has been proofread.


— 169 —


sa malas ng mga nanonood ang isang ulo na anyông bangkáy, na nalilibid ng isang mahabà't makapál na buhok na itím. Dahandahang ibinukás ng ulo ang mga matá at inilibot ang tingin sa lahát ng nononood. 'Ang mga matáng iyon ay may matalas na ningning na nararagdagan pa ng kaniyang mga panglook, at sa dahilang abyssus abyssum invocat, ang mga matang iyon ay napatitig sa mga malalalim at nangangalóng matá ni P. Salvi na dilát na dilát na wari'y nakakikita ng isang multó. Si P. Salvi ay nanginig.

—Espinghe—ani Mr. Leeds—sabihin mo sa mga nakikingig kung sino ka.

Ang lubos na katahimikan ay naghari. Isáng malamig na simoy ang lumaganap sa salas at nagpagalaw sa bughaw na dingas ng mga lámparang gamit sa libingan. Ang mga lalong hindi mapaniwalaín ay nangilabot.

—Ako'y si Imuthis—ang sagot ng ulo na ang boses ay malalim nguni't nagbabalà mandín—ipinanganák akó ng kapanahunan ni Amasis at ako'y pinatay nang kasalukuyang nakasasakop ang mga persa, samantalang si Cambises ay papa-uwing galing sa sinamang pagsalakay sa kalookan ng Lybia. Galing akó sa pagtatapós ng aking pag-aaral makaraan ang mahabang paglalakbay sa Gresia, Asiria at Persia, at papauwi na ako sa aking bayan upang manirahan doon hanggang sa ako'y paharapin ni Thot sa kaniyang kakilakilabot na hukuman. Dalá ng kasawián ko, sa aking pagdaraan sa Babilonia, ay nabatid ko ang isang kakilákilabot na lihim, ang lihim ng di tunay na Smerdis na nagnakaw ng kapangyarihan, ang pangahás na magong si Gaumata na namamahalà sa tulong ng isang pagdarayà. Sa katakutang isumbóng ko siya kay Cambises, ay binalak ang aking ikasasawi sa pamagitan ng mga saserdoteng taga Egipto. Ang mga ito'y siyang nakapangyayari noon sa aking bayan; dahil sa pag-aari nilá sa dalawa ng katlóng bahagi ng mga lupain, tanging may hawak ng karunungan ay inilulubog ang bayan sa kamangmangán at sa pagsiil, inilalagmak sa ugaling hamak at inihahandâ upang huwag marimariman sa pagpapalit palit ng panginoon. Ang mga manglulupig ay nanghahawak sa kanila at sa pagkakilala ng kanilang inaitutulong ay kinakalong ailá't pinayayaman, at ang ilan ay hindi lamang umalinsunod sa kaniláng máibig kundi naging tagaganáp lamang nilá. Ang