―¿At bakit hindi?―ang tugóng masunurin ni Mr. Leeds.
At matapos na máitaás ng kanang kamay ang kaha ay binawi ng kaliwa ang kayo at naiwang lantad ang mesa na natutukuran ng kaniyáng tatlong paá. Muling inilagay ang kaha sa ibabaw at banayad na lumapit sa mga nanonood.
―¡Dito ko siya makikita!―ang sabi ni Ben Zaib sa kaniyang kasiping-tingnán ninyó paghindi iyán nagdahilán ng kabi't anó.
Ang lubos na pagbatyág ay nálalarawan sa lahat ng mukha; naghari ang katahimikan. Maliwanag na maliwanag na nádidingig ang ingay at kaguluhan sa daan; nguni't ang lahát ay nagugulumihanan kaya't ang kaputol na salitàang umabot hanggang sa kanila'y hindi man nilá náinó.
―¿Porque ba no di podi nisós entra?―ang tanong ng isáng boses babai..
―Aba, ñora, porque tallá el mana prailes y el maná empleau ang sagot ng isang lalaki-tajasi solo para ilós el cabesa de espinge.
―¡Curioso también el maná praile!―ang sabi ng boses babai―i no quiere pa que di sabé nisós cuando ilós ta salí ingañau! ¡Cosa! ¿querida ba de praile el cabesa?
Sa gitna ng boông katahimikan ay nagpatuloy ang amerikano na ang boses ay nanginginig:
―Kaginoohan: sa isang salita'y bubuhayin ko ang isang dakót na abóng iyan at kayo'y makikipag-usap sa isang nakababatid ng ukol sa nakaraan, ng sa kasalukuyan at maraming bagay ng sa dárating.
At banayad na bumitiw ng isang sigaw ang mahiko, mapanaghoy muna, matapos ay matindi, halòhalòng matatalas na tunog na wari'y tungayaw at tunóg na paós na wari'y pagbabalà na nakapagpangalisag sa buhok ni Ben-Zayb.
―¡Deremot!―ang sabi ng amerikano.
Ang mga tabing na nakapalibid sa salón ay naggalawan ang mga ilawan ay waring mamámatáy, ang mesa ay humaginít. Isáng mahinàng daíng ang sumagót na galing sa loob ng kaha. Ang lahat ay nagkatinginang namumutla't hindi mápalagáy: ang isang babaing lipús katakutan at nakaramdám ng isang pagkabasang mainitinit sa kaniyang saya ay kumapit kay P. Salvi.
Sa gayon ay nábukás na mag-isá ang kaha at sumipót