Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/170

From Wikisource
This page has been proofread.


― 164 ―


tatanyág ay ipinamanhik na manahimik lamang. Si Ben- Zayb ay ngumingiti at nilálasá plasáp na ang sama ng loob na ibibigay niya sa amerikano.

Ang loob na nababalot na buông buô ng itim ay naiilawan ng mga matatandâng lámpara na ang ilaw ay aguardiente. Isáng halang na natatakpán ng tersiopelong itím ang siyáng humahati ng dalawang hating magkasinglaki sa loob na iyon ang isa'y puno ng mga luklukang laán sa mga manonood, at ang isá, ay kinalalagyan ng isang tuntungan na ang alpombra ay pariparisukat. Sa ibabaw ng tuntungang itó, sa dakong gitna, ay nálalagay ang isang mesa na natatak pán ng isáng mainam na kayong itím na puno ng bungo at iba pang pang larawang mahiwagà. Ang mise in scene ay malungkot kaya't nakapangilabot sa mga masasayang dalaw. Náhinto ang mga biruán, marahan ang mga pag uusap at kahit na ibig mag- patanaw ang ilán ng di nílá pagpapahalaga sa gayon ay hindi pumulás ang tawa ang tawa sa mga labi. Ang damdám ng lahat ay waring nápasok sa isang bahay na may patay. Isáng amoy suób at pagkit ay siya pang nakapagpaparagdág sa gayón. Si D. Custodio at si P. Salvi ay marahang nagsangguniang kung nararapat ó hindi na ipagbawal ang mga gayóng pánoorín.

Upang mapalakás ni Ben-Zayb ang loob ng mga matatakutín at magipít niya si Mr. Leeds ay sinabi ritong:

—Hoy, mister, yamang walang ibáng tao kundi kami lamang at hindi kami mga indio na napapahuli ay ipahihintulot baga ninyong ipakita ko sa kanila ang dayà? Alám na naming ang lahat ng iyan ay ukol lamang sa paningin, nguni't sa dahilang si P. Camorra ay ayaw maniwalà.....

At humandang lumundág sa halang na hindi nagdaan sa sadyang pintuan, samantalang si P. Camorra ay naglulunggati sa pagtutol dahil sa nangangambang baka may katwiran si Ben-Zayb.

At bakit pô hindi, ginoo?—ang sagot ng amerikano; —nguni't huwag po lamang kayóng sumirà ng anomán, hané pô?

Ang mamamahayag ay nasa ibabaw na ng tuntungan.

—¿Ipinahihintulot po ba ninyo?-ang sabi.

At sa pangingilag na baka hindi siya payagan ni