Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/169

From Wikisource
This page has been proofread.


— 163 —

—¿At ano ang masasabi ninyó sa indio-ing'és na iyan? Nábahawíg kay Simoun.

Umalingawngaw ang pamuling halakhakan. Hinaplós ni P. Irene ang kaniyang ilóng.

—¡Tunay ngâ!--¡Tunay ngâ!--¡Siyang siya!

—Datapwa'y ¿násaan si Simoun? ¡Bilhin ni Simoun!

Si Simoun ay nawala, walang nakakita sa kaniya,

¡Puñales!—ang sabi ni P. Camorra—|napakakuripot ang amerikano! Natatakot na pabayaran natin sa kaniyá ang kaupahan ng lahát sa pagpasok sa patanghalan ni Mr. Leeds.

—¡Hindi—ang sagot ni Ben-Zayb—ang ipinangangambá ay ang magipit siya. Nahuhulaan na ang masamang biròng aabot sa kaniyang kababayang si Mr. Leeds, kaya't nagmamaangmaangan.

At nangagpatuloy ng lakad, upang panoorin ang nábabantóg na ulo, na walang biniling anománg kali't masamang laruan.

Humandóg si Ben-Zayb na siyang makikipag-usap: hindi maaaring hiyain ng amerikano ang isang mamamahayág na mangyayaring maghigantí sa pamagitan ng isang mapaniràng lathalà.

—Mákikita ninyo't pawàng kagagawán lamang ng salamín—aniya—sapagka't tingnan ninyo......

At muling nagsimula ng isang mahabang pagpapaliwanag, at sa dahilang wala siyang kaharap na salamin na makasisirà sa kaniyang sinasabi, ay idinugtóng nang lahat ang kabulastugáng matuturan hanggang sa káhulihulihan ay hindi na matumpakán ang sinasabi.

—At mákikita rin ninyó kung hindi pawang pagkasirà lamang ng paningin.

XVIII
MGA KADAYAAN

Sinalubong sila ng lubhang malingap ni Mr. Leeds, isang tunay na yankee, na ang suot ay pulós na itím. Mabuting magsalita ng wikàng kastilà dahil sa nagtiráng malaon sa Amérika, sa Timog. Hindi sumalansáng sa nasà ng ating mga dalaw; sinabing maaaring siyasating lahát lahát bago gawin at matapos ang pagtatanghál; sa kasalukuyan ng pag-