ay nagayahang mabuti; tanso, ang dingas ay palará at ang alimpoyó ng usok ay marurumi't pinilipit na bulak.
—¿Hoy, Ben-Zaib, hindi hangál ang nakámunakalà, anó?—ang tanong na tumatawa ni P. Camorra.
—Hindi ko malaman ang ibig tukuyin!—ang sabi ng manunulat.
—Nguni't ¡puñales! hindi ba ninyó nákikita ang pangalan, la prensa filipina? Ang kasangkapang iyan na ipinamimirinsá ng matandang babai ay tinatawag ditong prinsá!
Lahat ay nagtawanan at si Ben-Zayb man ay humalakhák din.
Dalawang sundalong guardia sibíl na may tandang mga sibil, ay nalalagay sa likurán ng isang taong nakabaliti ng matitibay na tanikala at ang mukha'y natatakpán ng sambalilo: ang pangalan ay Ang Lupain ng Abaká at waring bábarilín.
Hindi naibigan ng marami sa ating mga dalaw ang tanghalan. Pinag-uusapan ang tuntunin ng Arte, humáhanap ng pagkakatimbángtimbáng ng lakí, ang sabi ng isa'y walang pitong ulo ang larawang gayón, na ang mukha'y kulang ng isang ilóng, wala kundi tatatló, bagay na ikinapag-isip ng kaunti ni P. Camorra na di makahulòng kung bakit, upang maging ayos ang isang larawan ay, dapat magkaroon ng apat na ilóng at pitóng ulo; anáng isá'y kung bakit malitid, sa, ang mga indio ay hindi gayón; na kung yaón ay matatawag na escultura ó carpintería lamang, at ibp.; balà na'y nagpahayag nang kaniyang panunuligsa at upang huwag namáng mápahuli sa ibá si P. Camorra ay nangahás humanap ng tatlong pûng hità sa bawà't manikà. Kung makahihingi ng ilong ang ibá ay bakit nga namán hindi siyá makahihingi ng hità? At doon din nangagtatatalo kung ang indió'y may katalinuhan sa pag-eeskultor, kung nararapat palusugin ang gayong arte, at sisimulán na ang pagtatalong sabay-sabay na pinutol ni D. Custodio sa pagsasabing ang mğa indio ay may katalinuhan, nguni't ang paggawâ lamang ng santó ang dapat harapín.
—Kabi't sino ay magsasabi—ani Ben-Zayb na ng gabing yaón ay naging mapanudyó—na ang insík na iyan ay si Quiroga, nguni't kung pagwawariing mabuti ay kamukha ni P. Irene.