Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/166

From Wikisource
This page has been proofread.


— 160 —


waring hindi nasisiyaháng loób; nayayamót siya sa gayóng karaming matá, karaming mga talogigi na tumatanaw sa kagandahan ng kaniyang iniibig: ang mga tingin ay inaakala niyang nakaw, at ang mga ngiti ng dalaga'y inaari niyang pagtataksíl.

Nang makita ni Juanito ang binibini ay pinaglalò ang kakubâan at nagpugay: sinagot siya ng pasumalá ni Paulita, at tinawag siya ni aling Victorina. Si Juanito ang kaniyang kinikilingan at sa ganang kaniya ay ibig pa itó kay sa kay Isagani.

—¡Anóng gandáng dalaga! ¡Anóng gandá!—ang bulong ni P. Camorra na sumilakbó ang kalooban!

—¡Padre ang tiyan mo po ang kurutin at bayaan ninyó kami! ang payamót na sabi ni Ben-Zayb.

—¡Anong gandang dalaga! anóng gandáng dalaga—ang ulit—at ang lumiligaw ay ang nag-aaral na kilala ko, ang nanulak.

—¡Mapalad siyá at hindi taga roon sa bayang ko!—ang patuloy pagkatapos na inilingóng makailan ang ulo upang sundán ng tingin ang binibini, Ibig ibig nang iwan ang kaniyang mga kasama at sundán ang dalaga. Nahirapan si Ben-Zayb bago siyá napahinuhod.

Si Paulita ay patuloy sa paglakad at nakita ang kaniyang magandang anyo at ang kaniyang munting ulo na mainam ang pagkakápusód, na malinding gumagalaw.

Ang ating mga nagliliwaliw ay patuloy sa kanilang paglakad na ang paring artillero ay nagbúbuntong hiningá, at nakasapit silá sa isáng tindahang nalilibid ng mga nanonood na madaling sila'y linuwagan,

Yaón ay isáng tindahan ng mga mumunting larawang kahoy, na gawâ dito, na nagpapakilala sa sarisaring laki at anyo ng mga ayos, lahi at mga paghahanap buhay sa kapulùan, mga indio, kastilà, insík, mestiso, prayle, klérigo, kawani, kapitán sa bayan, nag-aaral, sundalo at ibp. Dahil mandín sa ang mga artista ay may hilig sa mga parì, na ang mga kutón ng mga habito ay siyang naaayos sa kaniláng mga kagawian sa pagyari, ó dahil sa ang mga prayle, sa pakikihimasok nitóng lubha sa mga lipunang pilipino'y nakapagpapaulap sa pag-iisip ng eskultor, maging alin man sa dalawang kadahilanan, ang katunayan, ay marami ang