nangagkakasalúsalubong ang mga kawaní, mğa militar, mğa
nag-aaral, mga insík, mga dalagindíng na kasama ng kanilang
mga iná at ali, nangagbábatián, nangagkikindatan, masasayang nagtutudyuhan.
Si P. Camorra ay nasa karurukan ng kaniyang kaligayahan sa pagkakita ng gayóng karaming magagandáng dalaga ná papatigil siya, nápapalingon, itutulak si Ben-Zayb, mapapapa aták, sumusumpa't aniya'y: at iyan, iyan, manghihitit ng tintá? at doon sa isá lanó ang masabi mo? Sa kaniyang kagalakan ay hindi na pinupupo ang kaniyang kalaban at katunggali. Tinitingnán siyang maminsan minsan ni P. Salvi, nguni't hindi niya piná pansín si P. Saivi, kundi bagkus pa ngång binubunggo ang mga dalaga upang masagi silá, na kinikindatan at tinititigan ng titig na may palamán.
—¡Puñales! Kailan kaya akó magiging kura sa Kiyapô?—ang tanong sa sarili.
Si Ben-Zayb ay biglang nakabitaw ng isang tungayaw, nápalundág at pinigilan ang kaniyang bisig; sa gitna ng kagalakan ni P. Camorra ay kinurot siya. Dumarating ang isáng nakasisilaw na binibining pinagtitingnanan ng lahat ng taong nasa liwasan; dahil sa hindi magkasiya sa kagalakan si P. Camorra ay pinagká maláng bisig ng dalaga ang bisig ni Ben-Zayb.
Ang binibini'y si Paulita Gómez, ang makisig sa madlang makisig na sinusundán ni Isagani; sa likurán ay sumusunod si aling Victorina. Ang dalaga'y nagniningning sa kagandahan; ang lahát ay napapatigil, ang mga liíg ay bumabaluktot, napapahinto ang mga usap-usapan, sinusundán ng mga paningin at si aling Victorina ay tumatanggap ng mga magalang na bati.
Ang suot ni Paulita Gomez ay barò't panyông pinyá na binurdahan, ibá kay sa isinuot ng umagang iyon sa pagparoon sa Sto. Domingo. Ang nanganganinag na habi ng pinya ay nagbibigay ng lalong gandá sa kaniyang ulo, at ang mga pilipinong nakakamalas ay iginagaya siya sa buwang nalilibid ng maputî't manipis na ulap. Isáng sayang sutia na kulay rosa, na nagkakutonkutong mainam ang ayos sa pagkakapigil ng kaniyang munting kamay, ay nagbibigay dilág sa kaniyang tuwid na ulo, na ang mga kilos na inaayusan ng malambót na liig ay nagpapahayag ng panana- gumpay na lubós ng kataasan at kalindián. Si Isagani'y