- —158—
sa pagpasok. At upang mapangatwiranan ni Ben-Zayb ang
sinabi, anyá ay:
—¡Sapagka't akalain na lamang ninyo! ¡Kung mahuli
ko ang dayà sa haráp ng mga nanonood na indio! ¡Aalisán
ko ng kakanin ang kaawàawàng amerikano!
Si Ben-Zayb ay isang taong malingap.
May labing dalawá ang pumanaog, na kabilang ang ating
mga kilalán si D. Custodio, si P. Salvi, si P. Camorra, si
P. Irene, si Ben-Zayb at si Juanito Pelaez. Inihatid silá ng
kanilang mga sasakván sa pagpasok sa liwasan ng Kiyapò.
- XVII
- ANG PERIYA SA KIYAPO
Ang gabi'y magandá at ang anyo ng liwasan ay lubháng
masaya. Sa pagsasamantalá sa masaráp na simoy at maníng.
ning na buwan kung Enero ay punong-puno ang periya ng
taong ibig makakita, mákita at makapaglibáng. Ang mga
musika ng mga kosmorama at ang ilaw ng mga parol ay
siyang nagbibigáy galák at kasayahan sa madlá. Mahaha-
bàng hanay ng mga tindahan, nagniningningang aliyamás at
mga pangkulay, lantad sa tingin ay may mga kumpol-kumpol na
pelota, mga máskarang nangakatuhog sa matá, mga laruang
lata, mğa tren, karrong maliliít, kabayong maliliit na napa-
gágalaw, mga sasakyán, mğa bapor na may kanikaniláng
'maliliit na kaldera, mga pingánpinganang maliliit, mğa beléng
mumunti na kahoy na pino, mĝa manikàng gawa sa ibáng
lupain at gawâ dito, ang mga una ay masasaya at bulháw at ang
mga huli ay mga walang katawatawa at mapagnilay na waring
mga maliliit na babaing may gulang, sa piling ng mga batang
nápakalalaki. Ang tugtog ng mga tambol na maliliít, ang kainga-
yan ng mga trompetrompetahang lata, ang tugtuging ngongò ng
mga kurdiyon at mga organillo ay nagkakahalong wari'y tugtugan
sa karnabal, at sa gitna ng lahát ng iyon ay paroo't parito
ang makapal na tao na nangagtutulakán, nagkakabungguang
ang mukha'y nangakalingón sa mga tindahan kaya't madalás
ang untugan at kung minsan ay katawatawa. Napipilitang
pigilan ang takbo ng mga kabayo ng mga sasakyán, ang
tabi tabi ng mga kotsero ay nádidinğíg na sunódsunód;