Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/163

From Wikisource
This page has been proofread.
—157—

—Kung hindi gayon ay hindi makukurò....

—Kung ang karunungan

—¡Ulit na namán ang karunungan! ¡puñales!

—Nguni't makingig kayó, aking ihahayag. Ang lahát
ay alinsunod lamang sa paningin. Hindi ko pa náki-
kita ang ulo, ni hindi ko batid kung papano itinatanghal.
Anang ginoo itinurò si Juanito Pelaez-ay hindi kagaya ng
mga ulong nagsasalità na karaniwang itinatanghal-kahi't na!
Nguni't ang sanhi ay yaon din; lahat ay dahil lamang sa
paningin; hintay kayó, ilalagay na paganito ang isang sala-
mín, ang isá pa'y sa likurán, ang malalarawan ay matatanaw...
anó, isá lamang suliranin ng Písika.

At ibinaba sa kinalalagyan ang isang salamín, inisyos,
ikiniling at sa dahiláng hindi niyá mapalabas ang kalinawan
ay tinatapos sa wikàng:

—Gaya ng sabi ko, walang pinagibhán sa isang pagsirà
lamang ng paningin.

—Nguni't anóng salamin ang ibig pa ninyó, sa sinabi
sa atin ni Juanito na ang ulo ay nasa loob ng isang kaha,
na ipinapatong sa isang mesa.... Nakikinikinitá ko sa bagay
na iyan ang espiritismo, sapagka't kailan man ay gumagamit
ng mesa ang mga espiritista, at sa akala ko'y sapagka't gober-
nador eclesiástico si P, Salvi ay dapat niyang ipagbawal ang
pagtatanghal.

Si P. Salvi ay walang kasalisalità; hindi sumasagot ng
oo ni hindi.

—Upang maalaman kung may diablo ó espíritu sa loob-
ang sabi ni Simoun-ang mabuti'y paroonan ninyo't tingnan
ang bantóg na ulong iyan.

Ang palagay ay minabuti at tinanggáp, nguni't si P.
Salvi at si D. Custodio ay nagpakita ng kaunting nganínganí.
¡Sila ay maparoon sa isang peria, makipagsiksikan sa mga tao
at manood ng mga esfinge at mga ulong nangungusap! ¿Anó na
Jamang ang wiwikàin ng mga indio? Ariin silang tao na
may hilig at kahinaan ding taglay ng ibá. Sa gayón, si
Ben-Zayb, akay ng kaniyang pagkamamamahayag ay nanga-
kong ipamamanhik kay Mr. Leeds na huwag magpapasok ng
manonood samantalang sila'y nasa sa loob: nápakalaking
karangalan ang ibibigay nilá sa kanilang pagdalaw upang
huwag sumangayon, at sakâ hindi pa silá hihingan ng upa