Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/162

From Wikisource
This page has been proofread.
—156—


ang katunayan ay kahi't mahigit na akong tatlong taón dito
ay hindi pa ako nakakikita ng pipiláypiláy.

—Sa bagay na iyan ay kasang-ayon akó ng aling kuan
ang sabi ng isang kabaing kalapít-ano pa't bibigyan ng sapatos
Sa wala naman silang sapatos ng sumipót sa maliwanag?

—¿At anó pa ang kailangan ng harò?

—¿At anó pa ang kailangan ng salawal?

—Isipisipin ninyo ang mapapalâ natin sa pagkakaroón
ng isáng hubkóng hubo't hubád! —ang tapós ng nagtatanggol
sa mga sundalo.

Sa isang pulutong ay lalong mainit ang pagtatalo. Si
Ben-Zayb ay nagsasalita't nananalumpati, gaya ng dati'y
hináhadlangán siyá sa bawà't sandali ni P. Camorra. Ang
manunulat na prayle, kahi't niya iginagalang na lubha ang
mga taong may satsát, ay palaging nakikipagtalo kay P.
Camorra na inaari niyang isáng praylepraylihang mangmang;
sa gayo'y ginagamit ng anyông malayà at dinudurog ang
mga sabisabihan ng mga tumatawag sa kaniyáng Fray Iba-
fiez. Kinalulugdán ni P. Camorra ang kaniyang katunggali;
iyon lamang ang tanging nagpapalagay na may katuturan
ang kaniyang mga tinatawag na pangangatwiran niya.

Ang pinag-uusapan ay ang ukol sa magnetismo, espiritismo,
magia at ibp., at ang mga salita'y sumasahimpapawid na
gaya ng mga sundáng at bola ng mga salamangkero: silá ang
naghahagis at silá rin ang sumásaló,

Nang taong iyon ay pinagkakaguluhan sa peria sa Kiyapò
ang isang ulo na di bagay sa tawag na esfinge, na itiná-
tanghál ni Mr. Leeds, isáng amerikano. Malalaking pabalità
na makababalaghan at nakapangingilabot na nakaaakit sa
panonood ang nangakadikit sa pader ng mga bahay. Ni si
Ben-Zayb, ni si P. Camorra, ni si P. Irene, ni si P. Salvi
ay hindi pa nakakikita sa ulong yaón; si Juanito Pelaez
ang tanging nakakita isáng gabi, at siyang nagbabalità ng
kaniyang pagkahanġà sa mga magkakalipon.

Si Ben-Zayb, dahil sa kaniyang pagkamamamahayag, ay
nagpupumilit na makatuklas ng kalinawan; binabanggit ni
P. Camorra ang diablo; si P. Irene ay nğumíngitî; si P.
Salvi ay walang kaimík-imík.

—Nguni't, Padre, sa hindi na pumaparito ang diablo;
tayo sa ating sarili ay sukat na upang magkasala....