Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/161

From Wikisource
This page has been proofread.
—155—


isang walang hilig sa pagkamilitar.... sa halimbawà, isáng
manggagawa ng sapatos.

—Iyan nga ang sagot ng isang manghahangô ng sapa-
tos—nĝumì't sa dahilang hindi bagay na magpadala ng isang
indio ni ng isang makáw at ang tanging magsasapatos na.
kastilà ay humihingi ng malaking sahod....

—Datapuwa'y ¿anó pa't pag-aralan ang sapín sa paa?-
ang tanong ng isang babaing malakí-imarahil ay hindi
iuukol sa mga artillerong kastilà! Ang mga indio ay maaring
walang sapatos gaya nang kung nasa kanilang bayan.

—Siyang dapat iat ang kabang bayan ay lalong maka-
pag-titipíd! —ang dugtong ng isang señorang balò na hindi na-
sisiyahan sa kaniyang sinasahod na pensión

—Nguni't unawàin naman ninyo ang sagot ng isa sa
mga kaharáp, na kaibigan ng mga opisial na magsisiyasat-
tunay ngang ang maraming indio ay walang sapin kung In-
mukad sa kanilang bayan, nguni't hindi ang lahat, at hindi
magkaisa ang lumakad nang alinsunod sa sariling kaibigán
kay sa nasa paglilinkód: hindi napipili ang oras, ni ang
dáraanan, ni hindi nakapagpapahingá kung kailan ibigin.
Tingnan ninyo, ali, na kung katanghalian ay nakaluluto ng
tinapay ang init ng lupà. At maglakád pa kayó sa buha-
nginan, doon sa may mga bató, araw sa itaas at apóy sa
ibaba, at punglô sa harap....

—¡Sa sanayán din lamang iyan!

—¡Gaya ng hayop na burro na nasanay sa hindi pag-
kain! Sa kasalukuyang labanán, ang lalóng marami sa
sasawi sa atin ay gawa ng mga sugat sa talampakan....
¡Inuulit ko ang sa burro, ali, ang sa burro!

—Nguni't anak ko ang tutol ng babai —isip-isipin ninyong
napakaraming salaping magugugol sa katad. Sukat nang mai-
buhay sa maraming ulila't balo upang mapagtibay ang ka-
rangalan. At huwag kayóng ngumiti, hindi ko sinasabi nang
dahil sa akin na mayroon namán akong pensión, kahi't ka-
kaunti, lubhang kaunti sa mğa ipinaglinkód ng aking asawa,
tinutukoy ko ang ibá na may napakamarálitâng kabu-
hayan ngayón: hindi nárarapat na matapos ang maraming
kahihingi upang maparito at matapos na makapaglakbay dagat
ay maging katapusan ang mamatay dito ng gutóm.... Ang
sinasabi ninyong ukol sa mga sundalo ay totoo marahil, nguni't