- —154—
Napaoo ang insík sa tulong ng tango; nguni't kailangan
niyang sumuhol sa maraming tao.
—¡Lahát akieng bigáy sa Pale!
—Kung gayon ay tingnan ninyó —ang marahang patuloy
ni Simoun —kailangan kong ipapasok ninyó ang ilang kaha
ng pusí na dumating ngayong gabi.... ibig kong itagò
ninyo sa inyong tindahan hindi magkakasiyang lahat sa
aking bahay.
Si Quiroga'y nagulumihanan.
—Huwag kayong masindák, hindi kayó maaanó: ang
mga baril na iyán ay unti unting itatago sa ilang bahay,
at pagkatapos ay gagawa ng pagsisiyasat at marami ang
ibinibilanggo.... marami tayong kikitain sa paglakad na ma-
kawala ang mga nápipiít. Batid na ninyo?
Si Quiroga ay alinlangan takót siyá sa mğa armas. Sa
kaniyang mesa ay mayroon siyang isang rebolber na walang
punlô na hindi niya hinihipò kailan man kundi lilingon mu-
nang nakapikit ang matá.
—Kung hindi ninyó magagawa ay hahanap ako ng iba,
nguni't kailangan ko kung gayón ang aking siyam na libong
piso upang padulasin ang mga kamay at ipikit ang mga mata.
—¡Siyá, siyá —ang sa hulf'y sabi ni Quiroga—¿nguni't
huli ba malami tao? dutos lekisa, ha?
Nang bumalik sa kabahayán si Quiroga at si Simoun ay
nátagpuan ang mga galing sa paghapon na nangagtatalo: pi-
natabil ng champagne ang mga dilà at nagpapagalaw sa mga
utak ng ulo. Nanğág-uusapang walang kakimikimi.
Sa isang pulutong na may maraming kawani, ilang babai
at si D. Custodio, ay pinag-uusapan ang isang pasugò sa
India upang pag-aralan ang ukol sa paggawa ng mga sapatos
ng mga sundalo.
—¿At sinosino ang bumubuo? ang tanong ng isang ba-
baing malaki.
—Isáng koronel, dalawang opisyal at ang pamangkin ng
General.
—¿Apat? —ang tanong ng isang kawaní-iganyán na la-
mang ang lupon! dat kung magkahati sa kapasiyahan? ¿may
pagkabatid man lamang kaya sa bagay na iyon?
—Iyán nga ang tanong ko-ang dugtóng ng isa —ang
sabi ko'y dapat pumaroon ang isang hindi kawal sa hukbo,