- —151—
ang isa'y nakabiting kukuyakuyakoy. Nagkaroon ng mga tu-
tulán, mga kasulatan, mga expediente, at ibp., ang mga
kuadrilyero ay matuling nangagsipanandata upang pasimulan
ang paghahamok ng magkakababayan, ang mga kura ay
galák na galák, ang mga kastila'y nasasayahan at ang labát
ng ito'y pinagkakakitaan ng salapi, hanggang sa pinigil ng Gene-
ral ang kaguluhan sa pamagitan ng pag-uutos na sila'y ma-
ngag-upùang kagaya ng insík, sa dahiláng ang mga ito'y
siyáng bumabayad ng lalong malakí, kahi't hindi siyáng la-
long katoliko. At dito nangyari ang kagipitan ng mga mes-
tiso at naturales, na, sa dahilang makikipot ang salawál ay
hindi makagaya sa insík. At upang ang nasàng duhagihin
sila'y mabunyág, ay ginanap ang kautusan ng boong kari-
ngalan at ginamitán ng mga sangkáp, nilibid ang simbahán
ng isang pulutong na kábayuhan, samantalang ang lahat ng
nasa loob ay pinapawisan. Ang usapin ay nakarating sa Es-
paña, nguni't doo'y náulit ding sa dahilang ang nagbabayad
ng lalóng malaki ay ang mga insík ay mangyayaring paira-
lin ang kanilang ibigin sampû sa mga ceremonias religiosas,
kahi't pagkatapos ay tumakwil sa pananampalataya at libakin
ang pagkakristiano. Nasiyahang loob ang mga naturales at
mestiso at pinag-aralan nila ang hindi pag-aaksayá ng pana-
hón sa mga gayóng bagay na walang kabuluhán.
Sinuyosuyo ni Quiroga si Simoun sa tulong ng kaniyang
haluang pananalita't ngiting napakamakumbabâ; ang kaniyang
tinğig ay napakamahimok, paulit-ulit ang kaniyang yukô, ngu-
ni't pinutol ng mag-aalahás ang kaniyang pangungusap at
itinanong sa kaniyáng bigla:
—¿Náibigan baga ang mga galáng?
Sa tanong na ito'y napawing wari'y pangarap ang siglá
ng kalooban ni Quiroga; ang tingig na dating mahimok ay
naging mahinagpís, lalò pang nagpakayukôyukô at matapos.
pinapagdoop ang mga kamay na itinaas na pantay mukha,
anyong pagbati sa kainsikán, ay dumaíng ng:
—¡Uu, sinyó Simoun! ¡akieng lugí, akieng hughóg!
—¿Bakit, insik Quiroga, kayo'y lugi at hughóg? ¡at
ganyang karami ang botella ng champagne at mga panaohin!
Ipinikit ni Quiroga ang kaniyang mga mata at nĝumiwi.
¡Hss! Ang nangyari ng hapong iyon, ang naging hanggán ng
mga galáng, ay nakapaghughóg sa kaniya. Si Simoun ay nğu-