- —150—
Iginagalang na lubha ng insík na si Quiroga ang mag-
aalahás, hindi lamang sa dahilang kilala niyang maya-
man, kundi dahil sa mga bulungbulungang umano'y kautu-
tang dila ng Capitán General. Nababalitàng inaayunan ni
Simoun ang mga hangarin ng insík, kasang-ayon sa ukol
sa consulado, at sa gitna ng mga banggitin, mga parunggít
at mga puntos suspensivos Italic textay tinukoy na siyá ng isang pa-
mahayagang laban sa insík, sa isáng nábantóg na pakikipag-
sagutan sa isang kasamang kampí sa mga may buhok. Idi-
náragdag pa ng ilán kataong malumanay na iniúudyók sa
Capitán General ng Eminencia Negra na gamitin ang mga
insík sa pagsugpo sa matibay na karangalan ng mga tagá
rito.
—Upang maging masunurin ang isang bayan-aniya-ay
walang paraang gaya ng duhagihin at ipakilala sa kaniya
ang sariling kaabaan.
Madaling nagkaroon ng isang pagkakátaón.
Ang mga balangay ng mga mestiso at ng mga naturales
ay nangagmamanmanan at ginagamit ang kanilang katapangan
at kasipagan sa paghihinalà at di katiwalaan. Isang araw,
sa misa, ang kapitan sa naturales na nakaupo sa bang-
kông nasa dakong kanan at lubhang payát, ay nakaisip na
pagpatungin ang kaniyang mga paá, na anyông noncahlant,
upang lumakilaki sa wari ang kaniyáng mga pigi at maipa-
malas ang kaniyang mainam na sapatos; ang sa mestiso
namáng náluluklók sa kabilang ibayo, sa dah láng may juanete
at hindi mapagpatong ang paa dahil sa katabâán at buyu-
nin ay umanyo namang ibinikaka ang kaniyang mga hità
upang málantád ang tiyang nakukulong ng isang chaleco na
walang kakutón kutón na napapalamutihan ng isang magan-
dáng tanikalang ginto at brillante. Ang dalawang pangkatin
ay nagkapakiramdaman at nagsimula na ang paghahamok:
sa sumunod na pagsisimbá, ang lahat ng mestiso, pati ng
mga lalong payát, ay pawàng may mga buyon at ibinikakàng
mabuti ang mga hità na waring nangangabayo: lahát ng
naturales ay pinagpatong ang kanikanilang paa, sampu ng
lalong matataba, kaya't may kabisa tuloy na umarinkin.
Ang mga insík na nakakita sa kanilá, ay gumamit namán
ng kanilang anyô: nangagsiupong gaya ng kung nasa sa ka-
niláng tindahan, ang isang paa'y baluktót at nakataás,