- —149—
Nakapaghapunan na si Simoun ng dumating at nakikipag-
usap, sa kabahayán, sa iláng mángangalakal na nangagsisidaing
dahil sa kalagayan ng paghahanap buhay: masama ang lakad
ng lahát, náhihinto ang pangangalakal, ang pakikipagsuklian
sa Europa ay napakataas ang halagá; nangagsisihingi ng liwanag.
sa mag-aalahás ó inuudyukán siya ng ilang paraan sa pag-
asang sasabihin sa Capitan General. Sa bawa't kaparaanang
ipalagay ay tinutugunán ni Simoun ng isáng ngiting pakutya't
paglibák. ¡Ba! ¡kaululán! hanggang sa nang mamuhî na ang
isá, ay itinanóng ang kaniyang hakà.
—¿Ang aking hakà?-ang tanong pag-aralan ninyó kung
bakit lumulusog ang ibang bansa at gayahan ninyó silá.
—At bakit nangagsisilusog, G. Simoun?
Kinibít ni Simoun ang kanyang balikat at hindi sumagót.
—¡Ang mga gawain sa daongan na nakabibigát sa panga-
ngalakal at ang daongang hindi mayariyari-ang buntong-
hingá ni G. Timoteo Pelaez —ay isáng kayo ni Guadalupe,
gaya ng sabi ng anak ko, na hinahabi at kinakalás.... ang
mga buwis....
—i At dumadaing kayo!-ang bulalás ng isá —¡At ngayong
kapapasiyá pa lamang ng General ng pagpapagiba ng mga
bahay na pawid! ¡Kayóng may maraming hierro galvanizado!
—Oo —ang sagot ni G. Timoteo —inguni't ang nagugol
ko naman sa kapasiyahang iyán! At saka ang pagpapagiba'y
hindi pa gagawin kundi sa loob ng isang buwán, hanggang
dumating ang kurismá; mangyayaring may dumating pang
ibá....ang ibig ko sana'y ipagibâ ngayón din, datapwâ't....
Bukód sa rito, ano ang ibibili sa akin ng mga may
ng bahay na iyán sa pawàng marálità?
—Mangyayari ding mábilí ninyó ng murang mura ang
kanilang mga bahay....
—At pagkatapos ay lakaring pawalang bisà ang kautu-
sán at ipagbiling muli, na ibayo ang halagá....! Naiyan
ang isáng kalakal!
Si Simoun ay gumiti ng ngiti niyang malamlám, at sa da-
hiláng nakitang sumasalubong din si insík Quiroga ay iniwan
ang mga madainging mangangalakál upang batiin ang ma-
giging consul. Bábahagya pa lamang siyang nakita nitó ay
nawala na ang anyong may kasiyahang loob at ang mukha'y
iginaya sa mga mángangalakál, at yumuko ng bahagya.