Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/154

From Wikisource
This page has been proofread.
—148—

—¡Alám ko na hindi kayó naparito ng dahil sa akin
kundi dahil sa aking hapunan.

May katwiran si insík Quiroga. Yaong matabang ginoo
na pumupuri sa kaniya at nagsasabi ng pangangailangan ng
isáng konsulado ng insík dito sa Maynilà, na ang ibig mandíng
sabihin ay walang makagaganap sa katungkulang iyón liban
na kay Quiroga, ay si G. Gonzalez na pumipirmang Pitili
kung tinutuligsa sa mga tudling ng pahayagan ang pagparito
ng insík. Yaong isá na may kagulangan na at sinisiyasat
na malapit na malapit ang mga bagay bagay, ang mga lám-
para, at mga cuadro, at ibp., at ngumingiwi at bumu-
bulalás ng padustâ, ay si G. Timoteo Pelaez, amá ni Jua-
nito, mángangalakál na nangangalandakan ng laban sa
pakikiagaw ng mga insík na naghahapay sa kaniyang ka-
lakal. At ang isá, ang nasa dako pa roon, iyong kayu-
mangging ginoo, payát, na ang paningin ay magasláw at ba-
nayad ang ngiti, ay yaón ang bantóg na may kagagawán ng
ukol sa mga pisong mehikano na nagbigay ng di kaka-
unting sama ng loob sa isang kinakalong ni Quiroga; ang
kawaning iyon ay kilalá sa Maynilà dahil sa katalasan! Ang
nasa malayòlayo pa, yaóng kung tumingin ay pairáp at hindi
husay ang bigote ay siyang kawaning kinikilalang lalong ka-
rapatdapat sapagka't nagkaroon ng katapangang magsalita ng
laban sa pangangalakal ng mga billete sa lotería na giná-
gawa ni Quiroga at ng isang babaing bantóg sa mga lipunán
sa Maynila. Sadya ngang kung hindi man ang kalahati ay
ang dalawa ng katlông bahagi ng mga billete ay dinádalá
sa kainsikán at ang nálalabing kaunti sa Maynilà ay ipinagbibi-
líng may patong na sikolo. Lubós ang pananalig ng tinurang
ginoo na sa balang araw ay mapapasa-kaniyá ang pinakamala-
kíng tamà. kaya't muhing muhi sa mga gayóng kagagawán.

Samantala nama'y nagtatapos ang hapunan. Mula sa ka-
kainan ay umaabot sa kabahayán ang mga bahagi ng ta-
lumpati, tawanan, mga pagsalangsáng, halakhakan.... Ang
pangalan ni Quiroga ay paulit-ulit na nádidingig, na kahalò
ng mga salitang consul, pagpapantáypantáy, mga karapatán....
Ang may piging, na hindi kumakain ng lutong Europa,
ay nakikitunggâ na lamang maminsánminsán sa kaniyáng mga
panaohin, at nangangakong makikisabay sa pagkain ng mga
hindi nakadulóg sa unang hain.