- —147—
masunurin at masisipag. Ang mga prayle ay hindi nanga-
ngarínganing dumaan ng mga buo buông oras sa kaniyang
tindahan, maging sa pook na tanáw ng madlâ, maging sa
mga silid na nasa loob, na, may mga kaayaayang kapulong....
Nang gabí ngâng iyon, ang kabahayán ay may katangi-
tanging anyo. Namumuno sa mga prayle at mga kawani
na nangakajuklók sa mga uupáng Viena at mga mumunting
bangkong maitim ang kahoy at ang uupán ay marmol na
galing sa Cantón, sa haráp ng mga mumunting dulang na
parisukat, at nangaglalaro ng tresillo 6 nangag-uusap usap,
sa tulong ng maningning na liwanag ng mga ginintûáng lám-
para ó ng kukutakutatap na ilaw ng mga parol insík na
may matitingkád na palamuting borlas na sutlâ. Sa mga
dingding ay magulóng nagkakahalò ang mga panooring payapà
at bughawin na gawang Cantón at Hongkong, na kasama ng
mga cromo ng mga babaing naglilingkod sa mga sultán, mğa
babaing halos hubád, mga larawan ng Cristo na mukhang
babai, ng kamatayan ng banal at ng makasalanan, na pawàng
yari sa mga pagawaang hudio sa Alemania upang ipagbili
sa mga bayang katoliko. Naroroón din ang mga larawang
insík na nasa pulang papel na may isáng lalaking nakaupo
na ang anyo'y kagalanggalang, mapayapà at nakangiti, sa li-
kuran nito'y may nakatayong aliping napakapangit, na ang
pigil ay isáng sibát na ang talim ay malapad at matalas:
tinatawag na Mahoma ng mga taga roon at tinatawag na
Santiago ng ilán, hindi namin maalaman kung bakit; ang
mga insík namán ay hindi nagpapaliwanag tungkol sa pag-
kakakilalang iyon sa dalawang pangalan. Manga putók ng
botella ng Champagne, bungguan ng mga kopa, tawanan,
usok ng tabako at isáng tanging amoy ng bahay insík, na
may halong pebete, apian at mga imbák na bungang kahoy
ang nagiging kabuôan ng lahat ng iyon.
Suot wari'y mandarin, na bughaw ang borlas ng kopià,
ay nagpapalakadlakad sa mga silíd, si insík Quiroga, na tuwid at
unát na unát, na pasulyápsulyáp na waring sinisiyasat kung wa-
lâng nangduduwit ng anó mán. Datapwa'y kahi't na taglay ang
gayóng di pagtitiwalang likás sa kaniyá ay nakikipagkamayan,
binabati ang ilán sa tulong ng mga masuyò at pakumbabang
ngiti, at ang ilan ay bating mapag-ampón, at ang iba'y
bating palibák na waring ang ibig sabihin ay: