Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/152

From Wikisource
This page has been proofread.
—146—


yang tumutulong sa aking kabuhayan, ang bawà't uban ay
magiging isáng tiník sa akin, at hindi ko silá ikadadanğal
kundi bagkus ikahihiyâ.

At masabi ito ay yumuko at umalís.

Napatigil ang abogado sa kaniyang kinalalagyán, na ang
matá'y susulingsuling. Nádingíg ang mga yabág na lumalayông
untiunti at muling umupo na bumúbulóng:

—¡Kaawàawàng binatà! Ang mga ganiyán ding hakà ay
sumagi isang araw sa aking pag-iisip! ¡Maanong ang lahát
ay makapagsabing: ginawa ko ito ng dahil sa aking bayan,
iniuukol ko ang aking buhay sa ikabubuti ng lahat....?
¡Putong na laurel, na pigta ng katás ng kamansá, mğa dahong
tuyo na nagkakanlóng ng mga tiník at mğa uód! ¡Hindi
iyan ang kabuhayan, iyan ay hindi nagbibigay ng kakanin,
ni hindi nagdudulot ng karangalan; ang mga laurel ay ba-
hagya nang mágamit sa isang sawsawan.... ni hindi nag-
bibigay ng katiwasayán.... ni hindi nagpapanalo ng mga
usap, kundi tiwali pa ngâ! Ang bawa't bayan ay may kani-
yáng hilig, gaya rin ng kaniyang singaw ng lupà at kaniyang
ağa sakit, na ibá sa singaw ng lupà at mga sakít ng ibáng
bayan!

At idinugtong pagkatapos:

—¡Kaawaawàng binatà!.... Kung ang lahat sana'y nag-
iisip at gumagawa ng gaya niya, ay hindi ko sinasabing
hindi... Kaawàawàng binatà! ¡Kaawàawàng Florentino!

XVI
ANG MGA KAPIGHATIAN NG ISANG INSÍK

Nang kinagabihán ng Sábado ring yaún, ang insík na
si Quiroga na nagnanasang makapagtatag ng isang consulado
ng kaniyang bansa, ay naghanda ng isáng hapunan sa itaás
ng kaniyang tindahan na nasa daang Escolta. Maraming
dumalo sa kaniyang pistá: mga prayle, mga kawaní, mğa
militar, mga mangangalakal, lahát ng kaniyáng mga suki,
mga kasamá ó mğa ninong, ay pawang nangaroroon; ang kani-
yáng tindahan ay siyang kinukunan ng lahát ng kailangan ng
mga kura at ng mga kombento, tumatanggap ng vale ng
lahát ng kawaní, mayroon siyang matatapát na alagad na