— 143 —
—Hindi, hindi, hindi iyan, hindi!-ang biglang hadláng. ng matanda na nagpakunwaring may hinahanap sa kaniyang mga papel—hindi, ang ibig kong sabihin.... nguni't ¿násaán kaya ang aking salamín sa matá?
—Hayán pô—aní Isagani.
Ikinamá ni G. Pasta ang kaniyang salamin, waring may binasang ilang kasulatan, at ng makitang inaantay siyá ng binatà ay nagwikàng pautal-utal:
—May ibig akong sabihing isáng bagay.... ibig kong sabihin, nguni't nakalimutan ko na.... kayó sa inyóng kapusukán, ay pinigil ninyó akó.... isáng bagay na walang malaking kabuluhan.... Kung alam lamang ninyo kung papaano ang ulo ko, inapakarami kasi ng aking gagawin!
Náramdamán ni Isaganing siyà'y iniaabóy na..
—Kung gayon, ang sabing sabáy tindíg—kami ay....
—Ah!.... mabuti pang bayaan na ninyó sa kamay ng pamahalaan ang bagay na iyan; siyá na ang bahalang magpapasiya diyan ng alinsunod sa kaniyáng máibigan.... Sinasabi ninyong ang Vice-Rector ay laban sa pagtuturo ng wikàng kastilà, marahil nžâ'y gayón, nguni't hindi sa nukala kundi sa paraan ng panukalang iyan. Sinasabing ang Rector na páparito ay may dalang panukalang pagbabago ng pagtuturò.... magantáy kayó ng kaunti, bigyán ninyó ng panahon ang panahón, mangagaral kayó, sapagkâ't nálalapit na ang examen at iputris yatà! kayong mabuti nang magwikàng kastilà at maluwag na magsalita danó't nakikihimasok pá sa guló? anó pa ang hangád ninyong bukód na iturò? Matitiyak na si P. Florentino ay káisa ko sa pasiya! Ipakikumustá ninyó......
—Kailan pa man ay kabilin bilinan sa akin ng aking amaín ang sagot ni Isagani—na alalahanin ko ang ibá gaya ng pag-aalaala ko sa sarili.... hindi akó naparito ng dahil sa akin, naparito akó sa ngalan ng mga nasa sa kalagayang lalo pang abâ. . . . .
—¡A, putris! gawin nila ang ginawa ninyó, sunugin nilá ang kanilang kilay sa pag-aaral at maging upawin siláng gaya ko sa pagsasa ulo ng boo boông salaysay.... At inaakalà kong kung kaya kayó nakapagsasalita ng wikàng kastilà ay sapagka't pinag-aralan ninyó; kayo'y hindi tagá Maynilà ni anák ng kastilà! Pag-aralan nila ang pinag-aralan