— 144 —
ninyó at gawin nila ang ginawa ko.... 'Ako'y naging alilà
ng lahat ng prayle, ipinagluto ko silá ng chocolate, at samantalang ang kanan ko'y ipinanghahalo sa batidor ay pigil
ko sa kaliwa ang gramátika, nag-aaral akó at, salamat na
lamang sa Dios, hindi ako nagkailangan ng iba pang mga guro,
ni iba pang akademia, ni mğa pahintulot ng pamahalaan....
Paniwalaan ninyó akó; iang ibig na mag-aral ay nakapag-
aaral at natututo!
—¿Nguni't ilán na sa mga ibig na matuto ang makaaabot sa inabot ninyo? Isá sa isang libo, at yaón pa man!
—¡Psch! ¿at anó pa ang kailangan ng higit pa roon?— ang sagot ng matanda na ikinibít ang balikat—Ang mga abogado'y labis na, ang marami'y pumapasok marami'y pumapasok na lamang na tagá sulat. ¿Mğa médiko? silá sila'y nagmumurahán, nag-uupasalàan at nagkakamatayan dahil sa pag-aagawán sa isáng gágamutín.... Bisig, ginoo, ang kailangan natin ay bisig na ukol sa pagtataním!
Nákilala ni Isagani na nag-aaksayá siyá ng panahon, nguni't tumugón:
—Tunay nga—ang sagót—maraming abogado at médiko, nguni't hindi ko masasabing lumalabis, sapagka't mayroon tayong mga bayang wala ng isá man sa kanilá; nguni't. kung marami man sa bilang, marahil ay kulang sa mabuti. At yayamang hindi mapipigil na mag-aral ang kabataan at dito'y wala na namang ibáng carrera bakit babayaang masayang ang kanilang panahon at pagsisikap? Kung ang kasiraan ng pagtuturò ay hindi makahadláng na ang mara mi'y maging abogado ó médiko, kung tayo'y magkakaroon din lamang bakit hindi pá mabubuti? at gayón man, kahi't. na ang nasa'y gawing lupain ng inga mánananim ang lupaíng itó, isang lupain ng mga manggagawà sa lupà, at patayin sa kaniya ang lahat ng gawàing isip, ay hindi ko maunawa ang kasamaan ng patalinuhin ang mga mánananim at mga manggagawàng lupang iyán, bigyán man lamang sila ng isang pinag-aralang magpahintulot sa kanilá, pagkatapos, na máwasto at magwasto ng kanilang mga gawain, na ilagay bagá silá sa kalagayang máwatasan ang maraming bagay na hindi batid sa ngayon.
—Bah, bah, bah! ang bulalás ng abogado na ikinumpay ng palikawlikaw sa hangin ang kamay na waring ibig