— 142 —
pagkamapagsarili, ay nagkákaít ng lahát ng bagay sa katakután 6 ó sa kakulangang tiwalà, at ang mga bayan
lamang na dinádahás at inaalipin ay siyá lamang may katungkulang huwág humingi ng kahi't anó magpakailan man.
Ang isang bayang nasusuklám sa kaniyáng pamahalaan ay
walang dapat bilingin dito kundi ang iwan ang pamamahalà.
Ang matandang abogado ay ngumingiwi at pinaíilíng-iling ang ulo, tanda ng di kasiyahang loob at hináhaplos ng kamay ang kaniyang upaw; pagkatapos, sa isang pananalitang mapag-ampón na wari'y may pagkahabag ay nagsabing:
—Hm! masamang aral iyán, masamang palagay, ihm! ¡Napagkikilalang kayo'y batà at wala pa kayong pagkatalós sa ukol sa kabuhayan! Tingnán ninyó ang nangyayari sa Madrid sa mga binatang walang muwáng na humihingi ng maraming pagbabago: lahát sila'y pinararatangang mğa nag-uusig ng paghiwalay, marami ang hindi makapangahás na umuwi, nguni't gayón man ay lanó ang kanilang mga binihingi? Mga banal na bagay, matatanda na't hindi makasásamâ sapagka't lubós nang kilala.... Datapwâ'y may mga bagay na hindi ko maipaliliwanag sa inyó, mga lubhâng maselang.... siya.... ipinagtáta pat ko sa inyóng may ibá pang katwiran, bukód sa mga tinuran na, na nagundyók sa isang matinóng pamahalaan upang kailán mán ay huwag dumingíg sa mga kahilingan ng isang bayan.....I hindi... mangyayari ding makatagpo tayo ng mga pinunong palalò at mahangin ang.... nguni't mayroon ding ibang katwiran.... kahit na ang hinihingi ay yaóng lalong nararapat.... ang mga pamahalaan ay may ibá ibáng palakad.....
At ang matandâ'y nag-aalinlangang nakatitig kay Isagani, at pagkatapos ay tumalagá na sa isang bagay, ikinumpay ang kamay na wari'y may inilalayong paghahakà sa kaniyang pag-iisip.
—Nahuhulaan ko ang inyong ibig sabihin-ang patuloy ni Isagani na ngumiting malungkót-ibig ninyong sabihin na ang pamahalaang ukol sa nasasakupan, yamang natatatág ng hindi lubos na wasto at sa dahiláng nananánğan sa mga palapalagay.....