— 141 —
Datapwa'y biglang nápahintô na wari'y nakapag-wikà ng higit sa nárarapat at tinangkang gamutin ang kaniyang pagkábulalás.
—Pinagkalooban tayo ng pamahalaan ng mga bagay na hindi natin hiniling, ni hindi natin mahihiling.... sapagka't ang paghilíng.... ang paghiling ay nagpapakilalang may pagkukulang at dahil doon ay hindi gumaganap sa kaniyáng katungkulan.... pagpayuhan siya ng isang paraan, tangkâíng ibunsód siyá, huwag nang siya'y tunggaliin, ay isang pagsasapantahang siya'y mangyayaring mámalt, at sinabi ko na nga sa inyong ang mga gayong paghahakà'y laban sa kabuhayan ng mga pamahalaang ukol sa nasasakop.... Ang bagay na ito'y hindi batid ng karamihan at hindi alám ng mga binatang nagdadalosdalos, hindi nilá kilalá, ayaw kilalanin ang lubhang káibayong ibubunga ng paghingi.... ang kasagwâáng taglay ng panukalang iyan.....
—Ipagpatawad po ninyó—ang putol ni Isagani na namuhi sa mga pangangatwirang ginamit sa kaniyá ng abogado-pag sa makatwirang paraan ang isang bayan ay humihingi ng anó man sa isang pamahalaan ay sapagka't inaakalang mabuti at nálalaáng pagkalooban siyá ng isang kabutihan, at ang kagagawang ito, ay hindi dapat makamuhi sa kanyá kundi bagkús pa ngang dapat makagalák; humihingi, sa iná sa inainahan ay hindi, magpakailan man. Ang pamahalaan sa ganang pahát kong pag aakalà, ay hindi isang may laganap na paningin na nakikita't napaglalaanan ang lahat ng bagay, at kahit na maging gayón, ay hindi mangyayaring mamuhi, sapagka't naririyan ang Pananampalataya na walang ginagawa kundî maghihingi sa Dios na nakakikita at nakakikilala ng lahát ng bagay, at kayó man ay humihingi at humihiling ng maraming bagay sa mga hukuman ng pamahalaan ding iyan, at ni ang Dios, ni ang pamahalaan hanggang sa ngayon ay hindi pa nagpapahalata ng kamuhián. Nasa sa budhi ng lahát na ang pamahalaan, dahil sa siya'y itinatag ng mga tao, ay nangangailangan ng tulong ng ibá, nangangailangang ipakita at iparamdám sa kaniya ang katunayan ng mga bagay bagay. Kayó na sa sarili ay hindi naniniwalang lubós sa katotohanan ng inyong mğa ikinatwiran; kayó sa sarili'y alám ninyong marahás at di natutungtong matuwid ang pamahalaan, na, upang makapagparangal ng kalakasán