— 140 —
hahalay sa batayán ng kapangyarihan, ang gumawa ng isang
bagay na laban sa kaniyáng mga munakalà kahit na inaakalàng mabuti kay sa nanggagaling sa pamahalaan, sapagka't
ang gayong kagagawán ay makasusugat sa kaniyang katibayan
na siyang batayán ng alin mang pamamahalà sa mga bayang
sákop.
Ang matandang abogado, sa pananalig na ang mga tinurang iyon ay nakalitó kay Isagani, ay nagpakabuti sa kaniyáng silyon ng walang kaimík-imík, kahit na sa loob niyang sarili ay nagtatawa.
Gayón man, ay tumugón si Isagani.
—Inakala ko, na ang mga Pamahalaan ay dapat humanap ng ibang batayang lalong matibay kailan på man at. nadadawal.... Ang pinagbabatayang lakás ng mga pamahalaang ukol sa nasasakop ay siyang pinakamahinà sa lahát, sapagka't wala sa kanilá kundi nasa mabuting kalooban ng mga nasasakupan samantalang ibig kilalanin ang gayón.... Ang batayang katwiran ay siyang inaakala kong lalong matibay.
Itinaás ng abogado ang ulo; ianó! ¿ang binatàng iyón ay nangangahás tumutol at makipagtalo sa kaniya, siyá, si G. Pasta? Hindi pá litó sa kaniyang mabigkás na pangungusap?
—Binatà, nararapat iwan sa isáng dako ang mga hakàng iyan, sapagka't mapanganib,—ang hadláng ng manananggol na inginiwi ang mukha—Ang sinasabi ko sa inyó ay dapat na bayaang gumawa ang pamahalaan.
—Ang mga pamahalaan ay itinatag upang ikagaling ng mga bayan, at upang makatupád ng lubós sa layunin niyá ay dapat umalinsunod sa kahilingan ng mğa namamayan na siyang lalong nakababatid ng kanilang mga kailangan.
—Ang mga bumubuo ng pamahalaan ay mga mamamayán dín at yaong mga may lalong kasapatán.
—Nguni't sa dahilang sila'y tao, ay maaaring magkámali, at hindi nárarapat na huwag pansinin ang sa ibang hakà. Dapat magtiwalà sa kanilá, ibíbigáy niláng lahát.
—May isáng sáwikàing likás na kastilà, na ang sabi'y: ang hindi umiiyak ay hindi nakasususc., Ang hindi hinihingi ay hindi ipinagkakaloob.
—¡Baliktád!—ang sagot ng abogado na tumawang pakutya sa pamahalaan ay pasaliwa ang nangyayari......