- —139 —
kapasiyahang-hari ay mangagtatagumpay na sana, ng ipinaalaala
ni P. Sibyla, upang magkapanahon, ang Kataastasang Lupon.
Ang lahat ng bagay na ito'y nátatalá sa alaala ng abogado;
kaya't ng matapos makapagsalita si Isagani, ay tinangkang
litubín itó sa pariway na mga pangungusap, guluhin at
ilipat ang usapan sa ibang bagay.
—¡Oo! —ang sabi na inilawit ang labi at kinamot ang
upaw walang mangunguna sa akin sa pag-ibig sa tinubuan
at paghahangad ng pagkakasulong, datapwâ'y.... hindi akó
makasugbá.... hindi ko masabi kung batid ninyo ang aking
kalagayan, isang kalagayang lubhang maselang.... marami
akóng pag-aari.... kailangan akong kumilos sa loob ng isang
masusing pagkatarós.... isáng pagsugbá...
Ibig litubín ng abogado ang binatà sa pamag-itan ng
maraming salita at nagsimula ng pagtukoy sa mga batás,
sa mga kapasiyahan, at napakarami ang nasabi, na hindi ang
batà ang naguló kundi siyá sa sarili ang halos naguló sa
isáng pasikot sikot na kábabanggit.
—Hindi po mangyayaring háhangarín naming ilagay kayó
sa kagipitan —ang mabanayad na sagot ni Isagani —¡lligtás
kami ng Lumikha sa pagbibigay gambalà sa mga taong ang
kanilang buhay ay lubhang kailangan ng ibang pilipino!
Datapwa'y kahi't napakaunti ang nababatid ko tungkol sa
mga batás, mğa kautusáng hari, mga lathalà at mga kapa-
siyahang umiiral sa ating bayan. ay hindi ko inaakalang
magkaroon ng kasamaán ang makitulong sa mga adhikain
ng pamahalaan, ang punyagiin ang siya'y maalinsunod na
mabuti; iisang layon ang aming inuusig at sa kaparaanan
lamang kami nagkakaibá.
Ang manananggol ay napangiti ang binatà'y napadadalá
sa ibang landas at doon niyá lilituhín, litó na ngâ.
—Diyán ngâ naririyan ang kid, sa karaniwang sabi;
hindi nga ba kapuripuri ang tumulong sa pamahalaan pag ang
pagtulong ay sa pamag-itan ng pangangayupapà, alinsunurin
ang kaniyang mga kapasiyahan, ang tuwid na katuturan ng
mga batás na katugón ng tuwid na paghahakà ng mga na-
mamahalà at hindi málalaban sa unang una at karaniwang
paraan sa pagkukurò ng mga ginoong may hawak ng ika-
aanyo ng mga taong bumubuo ng isang kapisanan. At dahil
dito ay masama, karapatdapat parusahan, sapagka't naka-