- —138—
Sa gawàan, ang lahat ay tahimik; walang nadidingig
kungdi ang anasan ng mga tagasulat ó nangagsasanay na
gumagawa sa kanugnóg na silid: ang kanilang mga panitik
ay gumágaralgal na wari'y nakikipagtunggali sa papel.
Natapos din ang manananggol sa sinusulat, binitiwan ang
panitik, itinaas ang ulo, at ng makilala ang binatà, ay
nagliwanag ang mukha, at malugód siyáng kinamayán.
—¡Abá, binatà!.... nguni't umupo kayo, patawarin
ninyó.... hindi ko nápunang kayo palá. ¿At ang inyong
amaín?
Lumakas ang loob ni Isagani at inakalàng mapapabuti
ang kaniyang lakad. Isinalaysay niyáng lahat ang nangyari,
na pinag-aaralang mabuti ang napapala ng kaniyang sina-
sabi. Pinakinggang walang katigatigatig ni G. Pasta ang
simulâ, at kahi't batid niya ang lakad ng mga nag-aaral,
ay nagmamaangmaangan upang ipakilala na wala siyang
pakialam sa mga kamusmusáng iyón, nguni't ng ma-
ramdaman ang pakay sa kaniyá at nádingíg na natutukoy
sa Vice-Rector, mga prayle, Capitáng General, panukalà at
ibp.. ang mukha niya'y untîunting nagdilim at nagtapós sa
pagbulalás ng:
—Itó ang lupain ng mga panukalà! Nguni't itulóy,
ituloy ninyo.
Hindi nanglupaypay si Isagani: sinabi ang kapasiyahang
ibibigay at nagtapós sa pagpapahayag ng pagkakatiwalà ng
kabinatàan na siya, si G. Pasta, ay mamámagitna ng sang-
ayon sa kanilá sakaling si D. Custodio ay sumangguni sa
kaniyá, gaya ng maáasahan. IIindi nangahás si Isaganing
sabihin na pagpayuhan dahil sa nġibít na ipinamalas ng
mánananggol.
Nguni't may takda ng gagawin si G. Pasta, na dili iba't
ang huwag manghimasok sa bagay na iyón, ni sumangguni,
ni pagsanggunian. Alám niya ang nangyari sa Los Baños,
batid niyang may dalawang pangkát at hindi si P. Irene ang
tanging bayani na nasa dako ng mga nag-aaral, ni hindi
siya ang nagpalagay ng pagdaraán ng kasulatan sa Lupong
ng Paaralan, kundi lubos na kaibá. Si P. Irene, si P. Fer-
nandez, ang condesa, isáng mangangalakál na nakakikiníki-
nitá nang makapagbibili ng kagamitang ukol sa bagong Aka-
demia at ang mataas na kawaning nagtukoy ng iba't ibang