Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/143

From Wikisource
This page has been proofread.
—137—

—Ibig ko pa iyán, ang sabi ni Isagani —si G. Pasta
ay pilipino, at naging kasama sa pag-aaral ng aking amaín.
Nguni't papaano ang gagawin upang mapakiling?

–Nariyán ang kid —ang sagot ni Makaraig na tinitigan
si Isagani —si ginoong Pasta ay may isang mananayaw,
itóng.... may isáng mangbuburdá..

Inailing na muli ni Isagani ang kaniyang ulo.

—Huwag kayóng nápakamaselang-ang sabi sa kaniyá
ni Juanito Pelaez —ang mga layon ay siyáng nagliligtas sa
mga kaparaanan Kilalá ko ang mangbuburdá, si Matea, na
may isang pagawàang pinapasukan ng maraming dalaga.....

—Huwag, mga ginoo, —ang putol ni Isagani —unahin
muna natin ang mga paraang hindi mahalay.... Paparoón
akó sa bahay ni G. Pasta at kung wala akóng mápala, ay
saká na ninyo gawin, ang ibig gawin sa mga mananayaw
at mga mangbuburdá.

Napahinuhod silá sa palagay at nagkásundông si Isa-
gani ay makipag-usap kay G. Pasta sa araw ding yaon
at sa kinahapunan ay ipababatid sa Unibersidad, sa kaniyang
mga kasama, ang nangyari sa pakikipagkita.

XV
SI G. PASTA

Si Isagani ay naparoon sa bahay ng abogado, isá sa
mga may tanglng katalinuhan sa Maynilà na pinagtátanu-
ngan ng mga prayle sa kanilang malalaking kagipitan. Nag-
antáy ng kaunti ang binatà, sapagka't maraming ipinagtá-
tanggol ang nároroon, nguni't dumating din ang taning na
ukol sa kaniyá at pumasok sa gawàan 6 bufete gaya ng
karaniwang tawag sa Pilipinas.

Tinanggap siyá ng mánananggol-usap sa pamagitan ng
isang mahinang ubo at tinitingnan palihim ang kaniyang
mga paá; hindi tumindíg ni hindi man lamang siyá pinaupo
at nagpatuloy sa pagsusulat. Nagkaroón si Isagani ng pana-
hón upang matyagán siya at kilalanin. Malaki ang itinandâ
ng abogado, ubanin na at ang kaniyang upaw ay halos
Jaganap sa boong tuktók. Ang kaniyang mukhâ'y pasuma-
ngót at matigás.