- —136—
—¡Mabuhay si D. Custodio!
—¿At kung ang ipasiyá ni D. Custodio ay laban? —ang
tanóng ng di mapag-asang si Pecson.
Iyan ang hindi nilá naáalaala, dahil sa kahibangán sa
akalang mabuti ang lakad ng usap. Lahát sy nápatingín
kay Makaraig upang mabatid kung ano ang sasabihin.
—Ang bagay ding iyan ang sinabi ko kay P. Irene,
nguni't sinabi sa akin, na kasabay ang kaniyang palabirông
tawa, na: Malakí na ang ating tinamó, nagawa nating ang
usap ay makarating sa isang kapasiyahan, mapipilitan ang
kalaban na tanggapin ang pakikihamok.... Kung mangya-
yaring mapakiling natin si D. Custodio, upang sa pag-alin-
sunod sa kaniyang malayàng hilig, ay magpasiyá ng sang-
ayon, ay nanalo na tayo; ang General ay nagpapakilalang
walang kikilingan.
Si Makaraig ay huminto.
—¿At papaano ang pagpapakiling? —ang tanong ng isang
inip.
—May sinabi sa aking dalawang paraan si P. Irene....
—Ang insík na si Quiroga!-ang sabi ng isá.
—¡Ba! Hindi pinupuná si Quiroga......
—¡Isáng mabuting handóg!
—Lalò pa, ipinagmamalaki ang katigasan niya sa mga
handóg.
—¡Ay, nálalaman ko na! —ang bulalás na tumatawa ni
Pecson —ang mánanayaw na si Pepay.
—¡A, oo nga! ¡ang mánanayaw na si Pepay! —ang sabi
ng ilán.
Ang Pepay na ito'y isáng makiyas na dalaga na kila-
láng matalik na kaibigan ni D. Custodio: sa kaniyá luma-
lapit ang mga tumatanggap ng mga pagawa, ang mga ka-
wani at ang mga mapaglaláng kung may nasàng tamuhín
sa bantóg na Konsehal. Si Juanito Pelaez na kaibigan din ng
mánanayaw ay humáhandóg na siyang lalakad ng usap; ngu-
ni't si Isagani'y umiling at nagsabing sukat na ang pagka-
kagamit kay P. Irene at magiging kasagwâán ang lapitan
si Pepay sa ganitong bagay.
—¡Tingnan ang isa pang paraan!
—Ang isá ay lumapit sa abogadong pinagsanggunian, si
G. Pasta, tanungang pinangangayupapàan ni D. Custodio.