Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/141

From Wikisource
This page has been proofread.
—135—

—Kanginang umaga'y nakipagkita akó kay, P. Irene—
ang sabi ni Makaraig na wari'y palihim.

—¡Mabuhay si P. Irene! —ang sigaw ng isang nagagalák
na nag-aaral.

—Inihayag sa akin ni P. Irene —ang patuloy ni Maka-
raig ang lahat ng nangyari sa Los Baños. Tila isáng linggó
siláng nagtatalo, ipinaglaban at ipinagtanggol niyá ang ating
usap ng laban sa lahát, laban sa kay P. Sibyla, sa kay P.
Fernandez, sa kay P. Salvi, sa General, sa Segundo Cabo,
sa mag-aalahás na si Simoun....

—¡Ang mag-aalahás na si Simoun! —ang putol ng isá—
¿nguni't anó ang ipinanghihimasok ng hudyóng iyán sa mga
bagay bagay ng ating bayan? At pinayayaman natin iyán
sa pagbili...

—¡Tumigil ka ngâl-ang sabi ng isá, na nafiníp sa.
pagka't ibig mabatíd kaagád kung papaano at tinalo ni P.
Irene ang mga nakasísindák na kalabang iyón.

—Mayroon pa mandíng matataas na kawaning laban sa
ating panukalà, ang Namamahalà sa Pangasiwaan, ang Go-
bernador Civil, ang insík na si Quiroga...

—¡Ang insík na si Quiroga! ¡Ang bugaw ng mga.....

—¡Tumigil ka na, tao ka!

—Sa kahulihulihan-ang patuloy ni Makaraig-ay ita-
tago na sana ang kahilingan at babayàang mákatulog doon
ng ilang buwan, ng maalala ni P. Irene ang Kataastaasang
Lupon ng Paaralan at ipinalagáy niyáng ang kasulatan ay
mahulog sa Lupong yaon upang magbigay ng munkabing
nárarapat yamang ang ukol sa pagtuturo ng wikang kastilà
ang pinag-uusapan.....

—Nguni't ang Lupong iyan ay malaon ng hindi kumi-
kilos ang tukoy ni Pecson.

—Iyan din nga ang isinagót kay P. Irene —ang patuloy
ni Makaraig at sinagot niyang mabuti ngâng pagkakataón
upang muling mabuhay, at sinamantala ang pagkakáparoon
ni Don Custodio, na isa sa mga kasangguni, at nagpalagáy
npon din ng isang lupon, at sa dahilang kilala ang kasipa-
gan ni D. Custodio ay siyáng tinakdááng magpalagay ng
ipapasiyá, kaya't ngayo'y nasa kamay niya ang kasulatan.
Ipinangako ni D. Custodio na lulutasín niya sa loob ng
buwang itó.