— 133 —
—¿Kung gayón?
—Kung gayón—ang bulalás ni Sandoval na sumusulák pa ang dugo dahil sa mga pagakpakan at sa isang udyók ng sigabó sa dahilang sa mga kasulatan at sa mga limbág ay ipinahahayag na iniibig niyá ang inyong ikatututo nguni't. pinipigil at ipinagkakait ang gayón pag sumapit na ang pagsasagawa, kung gayón, mga ginoo, ang inyong mga pagsusumikap ay hindi nasayang, nátuklás ninyo ang hindi natuklás ng sino man, na maalis ang balatkayo at kayo'y hamunin !
—¡Mabuti, mabuti!—ang masigabóng sigawan ng ilán.
—¡Purihin si Sandoval! ¡Mabuti ang ukol sa paghamon! —ang dagdag ng ibá.
—¡Hamunin tayo!-ang sagot ni Pecson na hindi binibigyang kabuluhan ang gayón-¿at pagkatapos?
Sa gitna ng kaniyang pananagumpay ay napatigil si Sandoval, nguni't sa katalasang taglay ng kaniyang lipi at dahil sa kaniyang dugông mánanalumpati ay agad nakabalikwás.
-¿Pagkatapos?-ang tanong-pagkatapos, kung walang pilipinong makapangahás tumugon sa hamon, ay akó, si Sandoval, sa ngalan ng Españia ay sasaluhin ko ang guantes, sapagka't ang gayong paraan ay isang pagpapabulàan sa mabuting hangád na kailan ma'y tinagláy ng España sa kaniyáng mga lalawigan, at sa dabilang sa gayóng asal ay sinasalaulà ang katungkulang ipinagkatiwalà sa kaniya at nagpapakalabis sa kaniyang walang sagkang kapangyarihan, hindi siyá karapatdapat sa pag-aampón ng inang bayan ni sa pagkupkóp ng sino mang mámamayáng kastilà.
Ang kagalakán ng mga nakikingíg ay halos naging kahibangán. Niyakap ni Isagani si Sandoval, bagay na ginayahan ng ibá; nabanggit-banggít doon ang inang bayan, ang pagkakaisa, ang pagkakapatiran, ang pagkamatapát; anáng mga pilipino'y kung wala kundi pawàng Sandoval sa España, ang lahát ng tao sa Pilipinas ay magiging Sandoval na lahát; nagniningning ang mga matá ni Sandoval at mapapaniwalaang kung sa mga sandaling iyon ay hinagisan siyá ng sino man ng isáng guantes na tanda ng paghamon, ay Bumakay sana sa kahi't aling kabayo upang magpakamatay ng dahil sa Pilipinas. Ang tubig na malamíg lamang ang nagwikàng: