— 131 —
—O ang aso ng magguguláy, na kagaya rin oilá—ang dagdag ni Pecson na pinutol na muli ang talumpati.
—¡Nguni't p....!— ang sabing pagalit ni Sandoval dahil sa pagputol, na nawala tuloy ang tuwid ng pagsasalaysay —samantalang walang masama tayong nálalaman, ay huwag tayong mag-akalà ng masama, huwag tayong magkamaling maghinalà sa kalayaan at pagkamasarili ng pamahalaan....
At sa pamamagitan nang magagandang pangungusap ay inihanay ang mga pagpupuri sa pamahalaan at sa mga balak nitó, bagay na hindi napangahasáng hadlangán ni Pecson.
—Ang pamahalaang kastilà—ang sabi, sa gitna ng ilang bagay ay nagbigay sa inyó ng lahát ng kailangan, walang ipinagkait sa inyó. Sa España ay nagkaroon kami ng kapangyarihang alinsunod sa kaibigan ng iisang tao at kayo'y nagkaroon ng gayón ding pamahalaan; kinalatán ng mga prayle ng kanilang kombento ang aming mga lupain at kombento ng mga prayle ang lamán ng isang katlong bahagi ng Maynilà; sa España ay pinalalakad på ang bitay, at ang bitay ay siyang huling kaparusahan dito; kaní ay katoliko at ginawa namin kayong katóliko; kami'y naging escolástico at ang escolasticismo ay siyang nananagumpay sa inyong mga páaralán; sa isang sabi, mga ginoo, umiiyak kami kung kayo'y umiiyak, nagtitiis kami kung kayo'y nagtitiís, iisa ang dambanà natin, iisá ang ating hukuman, iisáng kaparusahán, at nararapat na ibigay namin sa inyó ang amin ding mga karapatán at ang amin ding mga katuwaan.
At sa dahilang walang humahadláng sa kaniya, ay sumigabó ng sumigabó ang kalooban hanggang sa tinukoy na ang sasapitin ng Pilipinas.
—Gaya ng sinabi ko, mga ginoo, ang liwayway ay hindi malayo, binubuksan ng España ang Kasilanğanan sa kaniyang iniibig na Pilipinas, at ang mga kapanahunan ay nag—iibá at batid kong ang ginagawa'y higit kay sa inaakala natin. Ang pamahalaang iyan, na, ayon sa inyó, ay gumigiwang at walang sariling kalooban, ay nararapat na ating udyukán sa pagpapakilala ng ating pagtitiwalà, ipakita na tayo'y nag-aantay sa kaniya: ipaalaala natin sa ating kilos (kung nakalilimot, bagay na hindi ko pinaniniwalaang mangyari) na tayo'y nananalig sa kaniyang magagandang hangád at hindi siyá dapat umalinsunod sa ibang palakad liban