— 130 —
—May mga doctor ang Santa Madre Iglesia.... ¿Anó ang malay ko? marahil ay pangilagang mabatid namin ang mga batás at aming masunod.... ¿Ano kaya ang mangya. yari sa Pilipinas sa araw na ang isa't isá sa amin ay mag. kaantiluhán?
Hindi naibigan ni Sandoval ang ayos na tugunan at pa birô ng kanilang pag-uusap. Sa paraang iyon ay hindi maaaring sumipót ang isang talumpating may kaunting kabuluhan.
—Huwag ninyong idaan sa birò ang sabi ang pinag-uusapan ay mahalagá.
—Iligtás akó ng Lumikha sa pagbibiro kung napapagitna ang mga prayle!
—Nguni't saan mananangan....?
—Sa dahilang sa gabi ang pag-aaral ang patuloy ni Pecson, na gayon din ang ayos, na waring ang pinag-uusapan ay kilalá na't alám-ay mangyayaring banggitin na pinakasagabal ang kahalayan, gaya ng sa paaralan sa Malolos...
—¡lsá pá! Hindi ba sa ilalim din ng balabal na madilim ng gabi idinadaos ang "Academia de dibujo" at ang mga nobenario at mga prusisyon?....
—Lumalabag sa karangalan ng Unibersidad-ang patuloy ng mataba na hindi pinuná ang paalaala.
—Lumabág! Ang Unibersidad ay mapipilitang sumang-ayon sa kailangan ng mga nag-aaral. At kung iyan ay tunay lay anó kung gayon ang Unibersidad? ¿Isá bagáng kapisanan upang huwag mátuto? Nagkásasama bagá ang ilang katao na nagtataglay ng katawagang may katarungán at dunong upang humadláng na ang ibá'y mátuto?
—Hindi't.... ang mga balak ng nangasaibaba ay tinatawag na di kasiyahang loob......
—At mga panukalà ang tawag sa nanggagaling sa itaas —ang dunggit ng isá-inariyan ang paaralang "Artes y Oficios".
—Dahan dahan, mga ginoo—ang sabi ni Sandoval—hindi akó makaprayle; kilala ang aking mga malayang pagkukurò, nguni't ibigay natin sa Cesar ang sa Cesar! Ang paaralang iyan ng Artes y Oficios, na akó ang una unang nagtatanggol at ang araw na siya'y mátayo ay babatiing kong wari'y unang liwayway na ikagiginhawa ng Kapuluang itó, ang paaralang iyan ng Artes y Oficios, ay ang mga prayle ang siyang nangagsumikap......