- —129—
kaprayle, nguni't sa mga ganiyáng bagay ay hindi napasú-
sulsol sa mga prayle! Ibig bagá ninyong turan sa akin,
Pecson, kung ano ang pinanunulayán ninyo sa pagsasabing
walang sariling pasiyá ang General?
—Hindi iyán ang sinasabi ko, Sandoval —ang sagot ni
Pecson na sa pagtawa'y ipinatátanáw halos ang kaniyang hu-
líng bagáng-sa ganáng akin, ang General, ay may sariling
kapasiyahan, itó ngâ, ang kápasiyahan sa lahat ng nasa
abót ng kaniyang kamay...... Ito'y lubhang maliwanag!
—¡At sulong pa rin! Nguni't turan ninyo sa akin ang
isáng pangyayari-ang sigaw ni Sandoval-iwasan natin ang
mga pagtatalong walang katuturán, ang mga salitang walâng
kabuluhan, at tumungo tayo sa mga pangyayari-ang dugtong
na sinabayán ng makiyás na kilos ang pagsasalita-Mğa
pangyayari, mğa ginoo, mga pangyayari; ang hindi gayón
ay mga hulòbulòng di ko ibig tawaging pilibustero.
Si Pecson ay tumawa at sinabát siyáng:
—¡Lumabás na ang pilibusterismo! Nguni't hindi na
ba mangyayaring makapagkatwiranan ng hindi sasapit sa
masasamang bintang?
Si Sandoval ay tumutol at humihingi ng mga pangya.
yaring tunay sa pamag-itan ng isang munting talumpati.
—Hindi pa nalalaunang dito'y nagkaroon ng usapin ang
iláng taong bayan at ilang prayle, at pinasiyahan ng saman-
talang General, na, ang humatol ay ang Provincial ng mga
paring kausap ang sagot ni Pecson.
At muling nagtawa na wari'y walang kabuluhan ang
pinag-uusapan. Tumukoy ng mga pangalan, araw at nanga-
kong magdadalá ng mga kasulatang magpapatunay ng paraang
ginamit sa pagkakapit ng katwiran.
—¿Nguni't saan mananánğan, sabihin ninyó sa akin, saan
mananangan upang huwag pahintulutan ang maliwanag na
maliwanag na ikabubuti at kailangan?-ang tanong ni Sandoval.
Ikinibít ni Pecson ang kanyang balikat.
—Na mápapanganib ang tibay ng tinubuang lupà....—
ang tugón na ang pagsasalita'y kagaya ng isang abogado na
bumabasa ng isang alegato.
—¡lyán ang malaking bagay! ¿Anó mayroon sa tibay
ng tinubuang lupà ng mga kaparaanan sa mabuting pagsa-
salità?
- 9