— 128 —
waning dumating sa Maynilà at tinatapos ang kaniyang pag-aaral, na kaisáng lubós sa mga hangarin ng mga nag-aaral
na pilipino. Ang halang na inilalagay ng polítika sa mga
lahi ay nawawalâ sa mga paaralan na wari'y natutunaw sa
init ng karunungan at ng kabataan.
Sa kawalan ng mga Ateneo at lipunang ukol sa katarungán, sa wika at sa polítika ay sinasamantala ni Sandoval ang lahat ng paglilipon upang gamitin ang kaniyang malaking kaya sa pagsasalaysay, sa pamag-itan ng pagbigkás ng mga talumpati, pakikipagtalo sa kahit na anóng sanhi at napapapagakpák ang mga kaibigan at nakikingíg sa kaniya. Nang mga sandaling yaón ang sanhi ng salitàan ay ang pagtuturo ng wikàng kastilà.
Sa dahilang si Makaraig ay hindi pa dumárating, ang mga paghuhulòhulò ay siyang idinadaos.
—¿Ano kaya ang nangyari?—Ano ang ipinasiya ng General?—¿Ipinagkait ang pahintulot?—Nagtagumpay si P. Irene?—Nagtagumpay si P. Sibyla?
Itó ang tanongtanungan ng isa't isá, mga tanong na ang tanging makasasagot ay si Makaraig.
Sa mga binatang nagkakalipon ay may mga may palagáy na loob na gaya ni Isagani at ni Sandoval na nakikiníkinitá nang yari ang bagay, at pinag-uusapan na ang pagkalugód at pagpupuri sa Pamahalaan, ang ukol sa pag-ibig sa tinubuan ng mga nag-aaral, mga kapalagayang loob na nag-udyók kay Juanito Pelaez upang kanyahin ang malaking bahagi ng karangalan ng pagtatatag ng Kapisanan. Ang lahat ng ito'y sinasagot ng di nasisiyaháng loob na si Pecson, isang matabang kung tumawa'y animo bungo-sa pagsasalita ng ukol sa mga sulsól na makapangyayari, na ang Obispo A., si Padre B., ang Provincial C. ay pinagtanungan ó hindi at ang ipinayo ó hindi ay ang ipasok sa bilangùan ang lahat ng nasa kapisanan, balitàng nagdudulot ng di ikápalagay ni Juanito Pelaez, na naúutal namán sa pagsasabing:
—¡Abá, huwag ninyó akóng ihalo!......
Si Sandoval, dahil sa kaniyang pagkakastilà at pagkamalayà, ay nag-iinit: —¡Nguni't p....!—aniyá—ang ganiyán ay isang paghihinalà ng masama sa General! ¡Alám ko. ngâng nápakama..