Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/133

From Wikisource
This page has been proofread.

— 127 —


ay nangaglilibang sa pagpapagalit sa mga batang pinipirol sa tainga na namumulá na tuloy dahil sa kapipingot; dalawá ó tatló ang pumipigil sa isang maliit na sumisigaw, umiiyák at ipinagtatanggol sa pamagitan ng kásisipà ang tali ng kaniyang salawál: ibig lamang na iwan siyáng kagaya noong sumipót sa liwanag.... pumapalág at umfiyák. Sa isang silid, sa paligid ng isang mesa velador, ang apat ay nagrerebesino sa gitna ng tawanan at biruáng ikinayayamót ng isang kunwari nag-aaral ng lisyón nguni't, ang tunay ay nag-áantay lamang na makahalili at siyá namán ang makasugal. Ang isa'y dumating na wari'y nagugulumihanan sa gayón, gulilát at lumapit sa mesa.

—!Nápakamabisyo kayo! ¡Kaagaaga ay sugál na! ¡Tingnán ko, tingnan ko! ¡Tunggák lihatak mo ang tatlong espada!

At itinupi ang kaniyang aklát at nakilarô namán.

Nádingíg ang sigawan, kumalabóg ang hampasan. Ang dalawá'y nag-away sa kanugnóg na silíd: isáng nag-aaral na piláy na napabarahin at isang kaawàawàng kagagaling pa lamang sa kaniyang lalawigan. Itó, na bahagya pa lamang nagsisimula sa pag-aaral, ay nakatagpo ng isang aklát na ukol sa pilosopía at binasang malakás, walang kamalákmalák at masama ang diín sa pagbigkás ng mga banggit na:

—Cogito, ergo sum!

Inari ng piláy, na siya'y pinatatamaan, ang ibáng kasama'y namagitna't pumapayapà, nguni't ang katunayan ay naguulót pa nğâ, kaya't sa huli'y nangagpanuntukan.

Sa kakanán ay isang binatàng may isáng latang sardinas, isáng boteng alak at ang mga baong dalá na galing sa kaniyang bayan, ay naglulunggati sa pagpupumilit na siya'y saluhan sa pagkain ng kaniyang mga kaibigan, samantalang ang mga kaibigan naman ay nangaglulunggati rin sa pag-ayaw. Ang iba'y nangaliligò sa azotea at pinagsasanayan ang tubig sa balón sa pagbobombero, nangaglalaban ng sabuyán sa gitna ng kagalakán ng mga nanonood.

Nguni't ang ingay at kaguluhan ay untîunting napapawi samantalang dumarating ang ilang may katangiang nag-aaral, na tinipán ni Makaraig upang balitaan ng lakad ng Akademia ng wikàng kastilà. Si Isagani'y sinalubong ng boong giliw, na gaya rin ng taga Españang si Sandoval, na ka-