Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/132

From Wikisource
This page has been proofread.

— 126 —


niwan nang hindi nagkakasakitan ang mga palò ay tumatamà sa likod ng insík na nagbibili ng kaniyang tindáng mğa kakanín at nakasisiràng kalamay, sa tabi ng hagdán. Nalilibid siya ng maraming batà, binabatak ang kaniyang buhok na kalág na't gusót, inaagawan siyá ng isang kalamay, tinatawaran sa halagá, at ginagawán ng iba't ibang kabuktután, Ang insík ay nagsisisigaw, nagtutungayaw sa lahat ng wikàng kaniyang batíd, sampú sa kaniyang sariling wikà, mag-iiyakiyakan. tatawa, sasamò, isásayá ang múkhâ kung walang mangyari sa kaniyá sa masama, ó pabalík.

—¡A, muasama yan!—Bo kosiesia—Hienne kilistiano—Kayó limonyo !Salamahe!—Itusu tusu! at ibp.

¡Piph, paph iwalang kailangan! Ililingóng nakangiti ang. mukha; kung sa kaniyang likód lamang tumatamà ang mga palò ay patuloy ding walang kagambagambalà sa kaniyang pangangalakal, sumisigaw na lamang ng:—No hugalo ¿e? no hugalo! nguni't pag-tumama sa biláo ng kaniyang mğa kakanín, ay sakâ susumpang hindi na bábalik, pupulas sa kaniyang bibig ang lahát ng tungayaw at lait na isip; ang mga batà namán ay lalong nagsusumidhi upang siya'y pagalitin at pag nakitang naubos na ang masasabi ng insík at silá namán ay busóg na sa hupya at inasnáng butó ng pakuwán ay sakâ lamang siyá babayaran ng walang kadayàdayà at ang insík ay áalís na masayá, tumatawa, kumikindát at tinatanggap na wari'y himas ang mahihinàng palò na ibinibigay ng mga nag-aaral na bilang pinakapaalam.

—¡¡Huaya, homia!!

Ang mga tugtugan ng piano at biolin, ng biguela at kurdión ay nakikisalfw sa tunog ng palùán ng bastón sa pag-aaral ng eskrima. Sa paligid ng isang malapad at mahabàng dulang ay sumusulat ang mga nag-aaral sa Ateneo, ginagawa ang kanilang mga sulating iháharap, niyayari ang kanilang mga suliranin sa piling ng mga ibang sumusúlat sa mga papel na kulay rosa at may palamuting úkit na batbat ng mga guhit sa kaníkanilang mga iniibig; ang isa'y gumagawa ng dulâ sa siping ng isang nag-aaral tumugtóg ng plauta, kaya't ang mga tula'y napasusuwitán na sa simulâ pa lamang. Sa dako pa roon, ang may katandaan, mga nag-aaral ng facultad, na, mga autlâng midias at sapatilyang may burdá ang suot,