— 125 —
mga bagay bagay, ay dáraan ding gayón ang mga susunod
at magiging mğa batinğól, at ang karangalang sinuğatan
at ang sigabóng ligaw ng kabataan ay magiging pagtataním at katamaran, na gaya ng mga alon, na nagiging maputik sa ilang poók ng dalampasigan, na sa pagsusunuran ay lalo't lalo pang lumalapad ang naiiwanan ng
yagit. Datapwâ'y, Yaóng mula sa walang katapusan ay
nakakikita sa mga ibubunga ng isang kagagawán na nakakalás na wari'y sinulid, Yaóng tumitimbang ng mga sandali at nagtakda sa kaniyang mga nilalang na ang unang
batás ay ang paghanap ng ikasusulong at ng kawastûán,
Yaóng, kung tapát, ay hihingi ng pagtutuús sa dapat hingán,
ng dahil sa mga yutàyutàng pag-iisip na pinalabò at binulag, ng dahil sa karangalang pinawi sa yutàyutàng tao at
ng dahil sa di mabilang na panahóng lumipas at gawang
nawalan ng kabuluhán! At kung ang mga turo sa Ebanhelio
ay may tining na katotohanan, ay mananagót dín ang mga
yutayutang hindi nangatutong itago ang liwanag ng kaniyang
pag-iisip at ang karangalan ng kaniyang budhi, gaya rin
naman ng pag-uusisà ng panginoon sa alipin nang salaping
ipinanakaw niya dahil sa karuwagan!
XIV
ISANG TAHANAN NANG MANGA NAG-AARAL
Lubhang karapatdapat dalawin ang bahay na tinitirahán ni Makaraig.
Malakí, maluwang, may dalawang patong na entresuelo na may magagaràng saláng-bakal, wari'y isang paaralan sa mga unang oras ng umaga at isang hinalòng linugaw magmulâ namán sa ika sampů. Sa mga oras ng paglilibáng ng mga nangungupahan, mula sa pagpasok sa maluwang na silong hanggan sa itaas ng kabahayán, ay walang humpay ang tawanan, ang kaguluhan at ang galawan. May mga binatang damit pangbahay na naglalaro ng sipà, nangagsasanay sa pagpapalakás sa pamagitan ng mga trapesiong gawâ lamang. nilá; sa hagdanan ay nagpapamook ang waló ó siyam na ang mga sandata ay mga tungkód, mga sibát, mga kalawit at silo, nguni't ang mga lumulusob at nilulusob ay kara-