Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/130

From Wikisource
This page has been proofread.

— 124 —


mamataás, ang di paglingap ng utang na loob sapol pagkatao, ang kapalaluan, ang di paggaláng sa mga nakatataas, ang kapalaluang iniuudyók sa mga binatà ng sitán ng kadilimán, ang kakulangán sa pinag—aralan, ang kadahupán at ibp. Matapos iyon ay tumulóy namán sa pagpaparunggít at pagkutya sa hangad ng ilang sopladillo na magturò pá sa kanilang mga guro at magtatayo ng isang akademia na ukol sa pagtuturo ng wikàng kastilà.

—¡Ha, ha!—aniyá—iyáng mga kamakalawa lamang ay babahagyáng makabigkás ng si, Padre, no, Padre ay ibig páng lumalò sa mga inubanan na sa pagtuturò? Ang sadyang ibig matuto ay natututo mayroon man ó walang mga akademia! ¡Marahil iyán, iyáng kaáalis pa lamang, ay isá sa mga may panukalà! ¡Kay inam ng kalalabasan ng wikàng kastilà sa mga ganyáng tagapagtanggól! ¿Saáng kayo kukuha ng panahong ipaparoon sa Akademia sa halos kinákapós kayo sa ikagaganap sa kailangan ng klase? Ibig naming matuto kayo ng wikàng kastilà at masalita ninyong mabuti npang huwag ninyong sirain ang aming tainga sa inyong mga gawi at inyong mga pe, nguni't una muna ang katungkulan bago ang pagdadasal; tumupád muna kayó sa inyong pag—aaral at saka kayó mag—aral ng wikàng kastilà at pumasok pa kayóng mánunulat kung ibig ninyó.

At nagpatuloy sa gayóng kásasalita hangáng sa tumugtóg ang kampana at natapos ang klase, at ang dalawang daan at tatlong pu't apat na nag—aaral, matapos makapagdasál, ay umalis na wala ring namumuwangáng kagaya ng pumasok, nguni't nangagsihingang wari'y naalisán ng isang malaking pataw sa katawán. Ang bawà't isá sa mga binatà'y nawalan ng isang oras pa sa kaniyang pamumuhay at kasabay noón ang isang bahagi ng karangalan at pagpapahalaga sa sarili, nguni't sa isáng dako naman ay nararag. dagán ang panghihinà ng loob, ang di pagkagiliw sa pag—aaral at ang mga pagdaramdám ng mga puso. ¡Matapos ito'y hingán silá ng karunungan, karangalan, pagkilala ng utang na loob!

—¡De nobis post hac, tristis sententia fertur!

At gaya rin ng dalawang daa't tatlóng pû't apat na ito'y dinaán ang mga oras ng kanilang klase ng libo at libong nag—aral na náuna sa kanilá, at, kung hindi maaayos ang