— 123 —
At muling binuksan ang talaan, hinanap ang pangalan at linagyán ng isang munting guhit.
—¡Siyá, isang munting guhit!—ang sabi—pagka't wala ka pá ni isá man lamang!
—Nguni't Padre ang sabi ni Plácido na nagpipigil pá —kung lalagyan po ninyó akó ng pagkukulang sa lisyón, Padre, ay dapat po namán, Padre, na alisín ninyo ang pagkukulang ko sa pagpasok na inilagáy ninyó ngayon sa akin. Ang pari ay hindi sumagót; inilagay munang dahandahan ang pagkukulang, tiningnang ikiniling ang ulo—marahil ay mainam ang pagkakaayos ng guhit—tiniklóp ang talaan at pagkatapos ay akutyâng ptumanóng:
—Abá! at bakit ñol?
—Sapagka't hindi malilirip, Padre, na ang isang tawo'y magkulang sa pagpasok at makapagbigay ng lisyón.... ang sabi pô ninyó, Padre, ay, ang naroon at ang wala
—Nakú metápisiko pá, wala pa lamang sa panahón! Hindi malilirip, ha? Sed patet experientia at contra experientiam negantem, fusilibus est arguendum, alam mo? At hindi mo malirip, pilósopo, na mangyayaring magkásabáy na magkulang sa pagpasok at bindî matuto ng lisyón? ¿Di yatà't ang hindi pagpasok ay katuturán na ng karunungan? ¿Anó ang sasabihin mo pilosopastro?
Ang huling binyag na ito'y siyang naging paták na nakapagpaapaw sa sisidlán. Si Plácido, na kinikilalang pilosopo ng kaniyang mga kaibigan, ay naubusan ng pagtitiís, inihagis ang aklát, tumindig at hinarap ang paring nagtuturò:
—Sukat na, Padre, sukat na! Maaari pong lagyan ninyó ako ng mga pagkukulang na ibig ninyong ilagáy, nguni't wala po kayong karapatáng lumait sa akin. Maiwan kayó sa inyong klase, sapagka't hindi na ako makapagtitiis pá.
At umalis na ng walang paalam.
Ang boông paaralan ay nasindák: ang gayong pagpapakilala ng karangalan ay hindi pa halos nákikita: ¿sino ang makaákalà na si Plácido Penitente....? Ang paring nagtuturò, na nabiglâ, ay napakagát labi at minasdán siya sa pag-alis na itinátango ang ulo na may pagbabalà. Ang boses ay nanginginig na sinimulán ang sermón na ang salaysayin ay ang dati rin, kahi't lalong malakás at lalòng mapusók ang pangungusap. Tinukoy ang nagsisimulang pag—